CHAPTER 28 (Part 1) ** NAIH POINT OF VIEW ** Nababaliw ka na talaga, Naih! Paano mo nagawang imbitahin si Jack sa hindi mo naman party? Inis na tanong ko sa sarili ko. Paano ba naman kasi? Dinala ko lang naman si Jack sa party ni Avo. Eh kasi, ito si mommy sinabi ko na may bisita ako at hindi na lang ako sasama ay talagang pinilit pa rin akong sumama sa party. Pakiramdam ko ay naa-out of place ako sa mga kaibigan ko. Kasama ko kasi ngayon si Jack habang si Gab, Tres at Avo ay nasa kabilang table at nakikipag kwentohan kay mommy at Zeah. Tiningnan ko si Jack sa harapan ko pero nakangiti lang siya habang kumakain. Paano niya kaya nagagawang lunukin ang pag kain niya habang ako naman rito ay halos hindi na maipinta ang mukha?! Ayoko rin namang maging bastos sa nararamdaman

