CHAPTER 17 ** NAIH POINT OV VIEW ** "Zarniah, open the door!" Narinig ko pang sabi sa labas ng pinto. Avo and Zeah was at the back of our door. Dumeretso ako sa kwarto para makaiwas sa kung ano mang masabi ko sa mga taong pilit sinasaktan ako. "Ate! Papasokin mo ko! Hoy!" Hindi ko pinansin si Zeah at hinayaan ang sarili ko na umiyak nang umiyak. Nasasaktan ako para kay mommy at nasasaktan ako para sa sitwasyon na 'min ngayon. Kahit pa sabihin ni mommy na iiwan niya na kami kay daddy dahil kaya naman kaming buhayin ni Daddy ay hindi talaga ako sasama. Hindi ko malilimutan ang mga sandaling kasama ko si mommy at kahit sampalin ako ni daddy ng pera niya ay wala akong pakialam. Hindi ako mabubulag sa perang meron siya. Nasaan siya sa mga panahong kailangan na 'min siya ni Zeah? Sa tuwing p

