┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Pagtuntong ng alas siyete ng gabi ay dumating na sa bahay nila Avvi si Adriana at si Ynah. Silang dalawa lang ang sumundo dahil magkikita-kita na lamang daw sila sa Oasis bar. Masyado daw kasi silang marami para sumundo lang, kaya ang iba ay nauna na sa bar na pag-aari ni Marcus. "Are you sure ayaw mong samahan ko kayo? Pwede naman kaming sumama upang makasiguro na ligtas kayo sa pupuntahan ninyo since ayaw mong sabihin kung saan ba talaga ang lakad ninyo." ani ni Mellard. "Hindi na nga, kasi puro kami babae at saka may iba kaming lakad na kami lang ang nakaka-alam, alam mo na, girls just wanna have fun?" sagot ni Avvi at natawa pa ito. "Hindi ako mapapakali dito kung hindi ko alam kung nasaan kayo. Pwede mo naman kasing sabihin sa akin or pwede akong gumawa ng paraan para

