Nagulat si Thalia, dahil nakaidlip siya sa may sofa. Dali-dali siyang lumabas ng penthouse, siguradong kanina pa naghihintay si Samuel. Saktong paglabas niya sa elevator ay sinalubong siya ng hotel manager. “Good evening Mrs Blanqueza, sumunod ka po sa akin." Nakangiti niyang sabi, tumango lamang siya dahil sa gulat. At kinakabahan dahil baka pagalitan siya ni Samuel, hindi kasi nito namamalayang nakatulog umupo muna siya para makapag-ipon ng lakas ng loob. Pero ang ending naka-tulog medyo madilim na kaya lagot talaga siya. “Ma’am, isusuot ko itong blindfold dahil iyon ang bilin ni Mr. Blanqueza.” Pagpapaalam niya bago takpan ang mata ni Thalia. Inalalayan ng manager si Thalia palabas sa hotel, isang malamig na hanging ang sumalubong. Lahat ng makakasalubong nila ay pinagtitinginan si

