Hindi malaman ng dalaga kung ano ang gagawin niya, walang ibang makikita si Thalia sa mga ni Samuel kundi pagnanasa. Nanginginig ang buong katawan niya dahil sa takot, dahil wala siyang ibang mahihingian ng tulong. Na sa isang hotel sila ni Samuel, siya ang isinama ng binata dahil meron itong business meeting dito sa Hongkong. Ngunit hindi niya lubos akalain na ganito ang mangyayari. Naghihintay naman si Samuel kung gagawin ba ng dalaga ang kanyang nais. “A-anong gagawin ko sir?” Nauutal na tanong niya, hindi kasi makapaniwala si Thalia na ganun ang pinapagawa ng binata. Dahil kahit pangit ang ugali ni Samuel ay nirerespeto siya nito, pero ngayon tila may kirot sa kanyang puso at pagkadismaya. Lumapit si Samuel sa dalaga at mahigpit na hinawakan ang baba nito bago ilapit ang mukha niya

