Mabilis lumipas ang araw nila sa Hong kong, bawat araw ay sinusulit nilang dalawa dahil matagal na naman silang makapag-bakasyon. Tuwang-tuwa si Thalia sa bawat sandali, dahil ang bawat lugar na kanilang napuntahan ay puno ng tawanan at mga alaala na ibinahagi sa pagitan nila. Sa kanilang huling araw mas pinili nilang mag-stay sa marangyang Penthouse, ang pagod sa kanilang mga nakaraang pamamasyal ay nag pabigat sa kanila. Abala si Thalia sa pagbabalot ng mga regalo na pinili nila para sa kanyang mga kapatid, na ibinubuhos ang kanyang puso sa bawat maingat na piniling bagay. Ngayon lang makakapag-suot ng magagandang damit at galing pang ibang bansa, kaya excited siyang ibigay ito sa kanila. May kausap naman sa cellphone si Samuel, ang kilala nitong architect at engineer pinakita niya kas

