Thalia: Chapter 27

1476 Words

Nanatiling tahimik si Teresa at hindi makatingin sa kanyang ate, wala siyang ibang pagpipilian kundi i-asa lahat kay Thalia. Nahihirapan na siyang magtrabaho dahil maselan ang kanyang pagbubuntis, kaya napilitan siyang mag-resign sa restaurant. “Wala ka bang sasabihin Teresa? Ni hindi ka man lang humingi ng tawad?” Sunod-sunod na tanong ni Thalia, pero wala siyang nakuhang sagot mula kay Teresa. Huminga siya ng malalim hindi na kaya ni Thalia, walang imik na tinalikuran niya ang kanyang kapatid. Galit at masama ang kanyang loob, kaya mas mabuting huwag muna silang mag-usap na dalawa dahil baka kung anong magawa niya. Wala siyang ibang hangad kung mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga kapatid niya, parang nawalan na siya ng gana dahil mukhang hindi pa sapat ang payo at pagpapaalala.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD