Thalia: Chapter 6

1712 Words
Natahimik ang lahat dahil sa sigaw ng lolo ni Samuel, at hiniling ni Thalia na mawala siya sa kanyang kinatatayuan dahil sa kahihiyan. Kung alam niya na ganito ang gagawin ni Samuel, hindi sana siya susama pa dahil sa ginawang ito ng binata magiging komplikado ang lahat para sa kanya. Dapat ay ibinahagi ni Samuel ang kanyang mga intensyon; ngayon, nakita ni Thalia ang sarili na hindi kayang ipaglaban sa angkan ng binata. Nanlalamig ang kanyang kamay, kahit pa hawak ito ng binata hindi pa rin maiwasang kabahan. Kung tutuusin ay dalawa lang sila ni Samuel ang magkakampi, siguradong hindi rin sila pabor sa kunwaring relasyon kuno nila na pakulo ng binata. “Relax Thalia, wala silang magagawa kung anong desisyon ko.” Malumanay na bulong ni Samuel, sapat lang para marinig nilang dalawa ang kanyang sinabi. Tinitigan niya ang binata, naramdaman niya na kung maglakas-loob siyang magsalita, tutulo ang mga luha niya. “Hindi ako mananahimik dad, anak ko ang pinag-uusapan dito at magiging buhay niya pagdating ng araw. Ang daming babaeng mas karapat-dapat kay Samuel, hindi gaya ng isang katulong lang. Sigurado akong merong ginawa ang babaeng yan para mahulog si Samuel sa kanya, ayoko siya para sa anak ko.” Puno ng galit na sabi ni Mrs Blanqueza, wala siyang ibang hinahangad kundi makapag-asawa ng may kaya rin si Samuel. Kaya lahat ginagawa niya para magkagusto ang binata isa sa mga babaeng binabayaran niya. “Hindi na ako bata ma, apatnapung taong gulang na ako alin ba ang hindi niyo maintindihan? Talaga bang nasusukat sa yaman ng tao ang salitang pagmamahal? Ano naman kung isang katulong lang si Thalia, sa kanya ko naramdaman ang tunay na pagmamahal. Dahil alam kong hindi sa yaman ng pamilya ko bakit niya ako nagutuhan, kahit ikaw ang aking ina wala kang karapatang husgahan si Thalia walang sinuman ang makapaghihiwalay sa aming dalawa.” Buong tapang niyang sagot at kitang-kita na determinado si Samuel, napangiti naman ang kanyang lolo dahil seryoso ito sa dalaga may matibay na desisyon at taimtim na nagsusumikap. Ngayon alam na niya ang dahilan meron palang inspirasyon sa buhay si Samuel, hindi nagpapatinag sa hamon kundi lalo pang nagsisikap para makamit ang layunin. “Naniwala ka naman sa ipinapakita ng babaeng yan, kapos sila sa pera Samuel malamang sayo yan kakapit para makaahon sa hirap. Walang ibang trabaho ang kanyang magulang siya lang ang inaasahan nila, sa tingin mo ba sapat na ang nagiging sahod niya bilang katulong? Huwag kang magpapaloko sa pinapakita niya, hanggat maaga pa ay hiwalayan muna ang babaeng yan! Hindi kita pinalaking mangmang Samuel, huwag mong ilagay sa kahihiyan ang pamilya natin!! Pati katulong ay pinapatulan mo, wala ka bang taste sa babae at pati dukhang kagaya niya ay pinatos mo?!” Hindi talaga matanggap ng ginang ang ginawang desisyon sa buhay ni Samuel, sobrang sama ng kanyang loob mabigat sa dibdib. “Ikaw Thalia, tinanong kita noon kung meron bang karelasyon si Samuel, hindi ko akalaing ikaw pala ang babaeng yun! Palihim mo palang ina-ahas ang anak ko, sa tingin mo papayag akong mangyari ang iyong plano!” Siga niya sa dalaga habang dinuduro ito. “Tumigil ka na ma, ikaw ang nagbibigay kahihiyan sa pamilya natin dahil sa makitid mong utak. Ginagawa niyo akong bata at parang walang sariling desisyon sa buhay, si Thalia ang papakasalan ko sa ayaw at sa gusto niyo, ako ang makikisama hindi kayo mahal ko siya kaya lahat gagawin ko ipaglalaban ko ang aking karapatan! Puro na lang pang iinsulto ang naririnig ko mula sayo ma, parang hindi ka babae nasasaktan din si Thalia sa mga binibitawan mong salita. Pagdating sa pag-ibig walang mayaman o mahirap, totoong nagmamahalan kami ni Thalia! Kung kinakailangang talikuran ko ang lahat para sa kanya gagawin ko!” Lalong nagalit ang magulang ng binata dahil sa mga binibitawang salita nito, lahat ng ito ay isinisisi kay Thalia nagtiwala sila sa dalaga buong akala nila ay hindi papatol si Samuel. Habang si Thalia hindi na niya kayang manahimik nalang, nakaipon na ito ng lakas ng loob para magsalita. Napahiya na kasi siya sa mga angkan ng binata, gusto niyang linisin ang kanyang pangalan. Dahil wala naman talaga siyang balak makipag-relasyon kay Samuel, pwede naman niyang sabihing walang katotohanan pero sobrang higpit ng hawak ng binata sa kamay niya minsan ay pinipisil pa nito. “Biglang lumabas ang tunay mong ugali Madam Samantha, paano na lang pala kung sinabi ko po noon kung anong relasyon namin ni Samuel? Siguradong wala akong ibang maririnig kundi ang pang iinsulto mo dahil isa lamang akong dukha. Pasensya na ho kung pinanganak lang akong isang mahirap lamang, at hindi ako pasado sa standard mo para kay Samuel, wala naman akong masamang intensyon o balak perahan siya dahil totoong mahal ko ang anak niyo. Nagsusumikap naman po ako para maitawid sa gutom ang aking pamilya, oo hindi sapat ang sahod ko pero hindi ibig sabihin ay kay Samuel na ako humihingi, alam naman po ninyong lagi akong bumabali para lang may maibigay sa mga kapatid ko. Hindi ko rin hinihinging magustuhan nyo agad ako, sana bago nyo husgahan ang aking pagkatao ay isipin niyo rin na kahit isa lamang akong mahirap meron din puso, nasasaktan. Kahit kailan hindi ako humingi ng pera o hinuthutan si Samuel, malinis po ang intensyon ko hindi kasing sama o dumi ng iniisip niyo sa akin. Kahit mahirap ako pinalaki akong may mabuting puso, kasalanan na pala ang umibig sa isang mayaman. Hindi ko maintindihan kung bakit nagagalit kayo sa akin, wala naman akong ginagawang masama.” Umiiyak na paliwanag ng dalaga, nanatiling tahimik ang ibang kamag-anak ni Samuel naawa para kay Thalia kahit papaano ay hindi naman sila kasing sama ng ina ng binata. “F*ck!” Malutong na mura ni Samuel, agad niyang pinunasan ang luha ng dalaga sobrang bigat na kasi sa kanyang dibdib at kailangan niya itong ilabas kahit sa pag-iyak na lamang. Ang mga ibang kamag-anak ni Samuel ay nagkakatinginan, nabaling ang kanilang atensyon sa isang tiyahin ng binata dahil tumikhim ito at merong balak magsalita. “Kung makapagsalita ka Samantha parang hindi ka galing sa hirap, kung tutuusin nga mas mahirap ka pa kay Thalia, sabihin mong mali ako? Kaya ka rin lang naman pumatol kay Kuya Miguel dahil sa yaman naming mga Blanqueza? Huwag kang magmalinis Samantha, dahil kung sino man ang mukhang pera dito ay ikaw iyon bakit mo pinapahid sa iba kung anong ugaling meron ka? Porket ba isa ka ng Blanqueza nakalimutan muna if saan ka nagmula? Ang bilis mo namang makalimot Samantha, hindi mo ba kilala ang sarili niyong anak ni Kuya Miguel? Hindi naman siguro mamahalin ni Samuel ang babaeng yan kung talagang pera ang habol niya, kung sino man yung walang taste sa babae iyon ay si Kuya. Look at yourself Samantha, isa kang retokada kaya ka gumanda akala ko pa naman nagbago na ang ugali mong iyan mas lumala pa pala.” Sabat ng pangalawang kapatid ni Miguel hindi na nakatiis ang ginang dahil sa kanyang mga naririnig. Namula ang mukha ng ginang, papatulan na sana niya pero pinigilan siya ni Miguel dahil baka lalo pang lumala ang nangyayaring gulo ngayon. “Hindi na ako natutuwa sa nangyayaring ‘to, nandito tayo para masayang kakain pero binigo niyo na naman ako. Dahil lang sa isang relasyon na hindi niyo kayang tanggapin, lahat tayo dumadaan sa hirap para magsumikap. Iha hindi mo kasalanan kung bakit nasa mababaing uri ka palang ng buhay, sadyang may mga tao lang talagang hindi na marunong lumingon sa pinanggalingan. Wala akong pakialam kung anong relasyong meron kayo ni Samuel, basta makita kong masaya ang aking apo okay ka sa akin.” Seryosong paliwanag ng ginoo habang nakatingin sa mag-asawa na ngayon ay nanggagalaiti sa galit. “Sarado na ang bahay namin para sayo Thalia, maghanap ka na ng iba mong trabaho hindi namin kailangan ang isang kagaya mo.” Mariin na sabi ng ginang, ngumisi naman si Samuel bago sagutin ang kanyang ina. “Walang problema kung tatanggalan mo siya ng trabaho, hindi naman iyon kawalan para sa kanya. Marami pang trabaho dyan na pwede niyang pasukan, nakakahiya ka ma lagi nyo nalang akong dini-dismaya ni dad. Dinamay niyo pati trabaho ni Thalia, sana sa susunod paki lawakan ang isipan ninyo.” Matabang na sagot ni Samuel, bago tumingin sa kanyang lolo. Si Thalia naman ay pilit pina-pakalma ang kanyang sarili, masyado niyang dinamdam yung mga sinabi ng ginang. “Aalis na kami lolo, sa ibang araw na lamang tayong mag-usap. Ayoko na kasing nakakarinig ng pang lalait at insulto sa aking kasintahan, lalo na at nanggaling mismo sa sariling magulang.” Paalam ng binata sa kanyang lolo, tumango naman ang ginoo dahil mas makakabuti pang umalis na silang dalawa hindi ito matatapos hanggang nandito sila. “Tatawagan kita kung kailan tayo magkikita, gusto kong isama mo si Thalia para makilala ko ng maayos.” Wika nito bago tuluyang tinalikuran si Samuel at bumalik na sa kanyang kinauupuan. “Mag-ingat kayo sa pag-uwi, Thalia pasensya ka na sa inasal ng magulang ni Samuel sarado kasi ang kanilang isipan pagdating sa ganitong bagay.” Muling sabi ng ginoo habang nakatingin sa mag-asawa, mas pinili na lamang nilang huwag sumagot dahil may araw pang makakausap nila si Samuel. Lumabas na ang dalawa, inalalayan niya si Thalia sa paglalakad dahil nanginig ito. “I’m sorry, sa condo ko ka muna tumuloy. Bukas na natin pag-usapan ang nangyari, kailangan mong magpahinga.” Sabi niya sa dalaga tanging tango lang ang sagot ni Thalia, iniisip palang niyang wala na siyang trabaho ay lalo siyang nanghihina. Paano na ang mga kapatid nitong nag-aaral at siya lang yung inaasahan nila siguradong mas masasakit na salita na namang ang maririnig niya mula sa kanyang ina. Nakasakay na sila sa sasakyan at mas piniling tumahimik ni Thalia, wala na siyang lakas para magsalita. "Nasimulan na natin Thalia, pwede na nating ituloy ang pagpapanggap mo bilang asawa ko. Pag-isipan mong mabuti, hindi muna kailangang maghanap ng iba pang trabaho." Seryoso na sabi ni Samuel, alam niyang masyado siyang makasarili sa part na to pero wala na rin ibang pagpipilian. Kailangan niya si Thalia at handa naman niyang ipaglaban ang dalaga, dahil walang makakapigil sa kanya, at gusto na niyang tumigil ang ginang sa ginagawang pag set-up sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD