Relentlessly I “Mabuhay ang bagong kasal!” kantyaw ng lahat na pinangunahan ng grupo nina Grayson. Naging mahaba ang aming hapon. Tuluyan na ring lumubog ang araw at bago pa maubos ang liwanag sa langit, nagpaalam na sina Mayor Fioresco para umalis na. Nagpasalamat si Seatiel. Hinatid namin siya sa may tabing-dagat kung saan naghihintay na ang maliit na yate. Ang mga braso ko ay nakapaikot sa braso ni Seatiel habang hinarap namin si Mayor. “Salamat, Mayor. This means so much to us,” personal kong pasasalamat at puno ng sensiridad. Alam ko na posibleng hindi magiging madali ang lahat para sa kaniya dahil sa pagtulong niya sa amin. He might lose some connections because of what he did, ang ikasal kami ni Seatiel. Hindi namin alam kung ano ang maaaring gawin ng mga Del Fuego o ng mga

