Prologo

2428 Words
Relentlessly I Palagi akong nahihiwagaan sa karagatan. Magmula pa noon ay mas nakakamangha ang asul na dagat kaysa sa asul na langit para sa ‘kin. I’ve always loved the sea more than the sky. Because I know, in the deepest part of the ocean, something lies beyond what we know. Ilang hampas ng marahas na alon ang tumama sa mga paa ko. Patuloy ako sa paglalakad sa dalampasigan habang hawak ang isang pamalengkeng basket. Galing ako sa pamilihan at kahit nga tumataas na ang tirik ng araw ay hindi ko ito alintana. “Isla!” dinig kong tumawag mula sa isang bangka sa ‘di kalayuan. Napatingin ako sa bangka na padaong na sa tabing-dagat bago napangiti at kumaway. Nasilaw ako sa araw kung kaya’t natakpan ko ang aking mga mata. Nagkakantyawan ang mga sakay ng bangka, sina Lara at Elaine at iyong dalawang lalaking kasama nila palagi. Madalas ay sumasama sila sa pamamalaot. Ilang beses na nila akong niyaya na tinatanggihan ko naman. Hinintay ko ang bangka nila na dumaong sa dalampasigan. Pinaglalaruan ko ang malinaw na tubig at ang buhangin na naghahalo sa mga paa ko habang ang mahabang suot na puting bestida ay banayad na tinatangay ng hangin. Hindi pa nakakalapit nang husto ang bangka ay bumaba na sila at patakbo akong pinuntahan. “Saan ka galing? Sana hinintay mo kami para sumama kami sa bayan!” sabi ni Lara at agad kumapit sa braso ko. Mukhang masaya sa pagsama sa pangingisda ang dalawa. Ang lalawak ng ngiti at itong isa’y kinikilig pa. “Ah... nagtanong kasi ako kay Manang Adelasia... sumama raw kayo sa laot kaya ako na lang muna ang namili,” sagot ko habang lumalapit na rin sa amin ang dalawang lalaking kasama nila. Isa roon si Grayson, iyong lalaking nagugustuhan ni Lara. May pilyong ngisi sa mga labi sa kabila ng pagiging pawisan sa initan. I understand why Lara is crushing hard over this guy. Gwapo rin naman talaga at mukhang mabait. Kabaliktaran siguro nitong isa nilang kasama, iyong parating seryoso at wagas kung makatingin. Ano ulit ang pangalan niya? Kakamatay pa lamang ng makina ng bangka at nang tumingin ako roon ay naabutan kong nakatingin na ito sa akin, dahilan para mapatigil ako sa pagkausap kay Lara. A somewhat familiar guy is standing on the boat. Ewan ko ba kung bakit ngunit tila ba pamilyar na pamilyar sa akin ang lalaking ito, magmula sa kaniyang tindig, ayos... at iyong malalim niyang mga mata na madalas kong nahuhuling sumusulyap. Dinig ko ay Seatiel ang pangalan nito. Ayon sa mga naririnig ko ay gaya ko, napadpad lang din ito rito sa Buenavista noon. Kasa-kasama ito palagi nina Grayson at ng ibang mga kaibigan nila lalo na sa pangingisda. Madalas silang mangisda o magtungo sa kalapit na isla. Minsan kung hindi pumapalaot ay nasa bayan para tumulong sa pagbabagsak ng mga supply. Nagtama ang paningin namin ng lalaki. Sa tirik na araw ay nangingislap ang pawisan niyang dibdib. Hindi ko maitatangging gwapo ang lalaking iyon. He has the body of a model, skin that looks like the sun kisses it every morning, eyes that carry a war within them, and lips that seem strangely familiar to me. May pagkamoreno at matikas ang tindig. Maganda ang malalim niyang mga mata. Lalaking-lalaki kung tumitig. Saktong makapal na mga kilay at hulmadong panga na bumagay nang husto. He’s so masculine that somedays, it is intimidating. O hindi siguro minsanan lang. Kinakabahan kasi ako kapag nakikita ko siya. Halos hindi mapakali at tila nama-magnet ang aking mga mata sa kaniya. Habang abala sila sa mga huli ay nakita ko ang pagsulyap niya sa gawi namin. Tiningnan niya ang kabuuan ng suot ko maging ang ayos ng aking mahaba at maalong buhok, dahilan para mahigit ko ang aking paghinga. Saglit lamang iyon. Nag-iwas din siya para kausapin ang mga kasama nila. Kasabay ng pag-ihip ng hangin ay ngumiti iyong si Seatiel habang kausap ang isang lalaki. Hindi ko mapigilang tingnan ito nang may pagkamangha. Now I understand... He was smiling and smirking. Habang inaayos ang lambat na kanilang ginamit ay muli siyang napatingin sa gawi ko, pati na rin ang lalaking kausap na nailing at ngisi nang tumingin sa direksyon ko sabay tapik sa balikat ni Seatiel. Dahil doon ay natauhan ako. My face suddenly burned. “Huh?” tanong ko sa sinasabi ni Lara na hindi ko narinig. “Ang sabi ko ay mag-iihaw daw sina Mang Kolas mamaya, kaya huwag ka matutulog nang maaga. Sumali tayo!” paliwanag ni Lara na tinanguan ko na lang kahit hindi ko naintindihan. Binalik ko ang tingin sa tinitingnan kanina at bahagyang napasinghap nang makitang ngayon ay inaalis na nito ang suot na t-shirt at isinasampay sa kabilang balikat habang kausap ang mga kasamahan. “Ay... wow! May pa-abs,” dinig kong pabulong na usal nila sa aking tabi, ang atensyon ay napunta na rin kay Seatiel at kina Grayson na binasa ang mga sarili sa tubig-dagat para siguro magbanlaw nang kaunti. Nanliit ang mga mata ko. Parang bigla kong naramdaman itong init ng tirik na araw. “Tara na... kailangan na ito ni Manang Adelasya para sa tanghalian,” mahinang yaya ko kina Lara habang ang paningin ay tutok sa lalaking iyon. Hindi ko talaga maiwasang tumingin sa kaniya. Paano ba naman? Palagi kong naririnig ang pangalan nito rito sa Buenavista, lalong-lalo na sa mga babae. Hindi ko rin alam kung bakit madalas kong nahuhuli ang mga mata niyang sumusulyap o ‘di kaya tumititig. Kapag naman tinitingnan ko pabalik ay hindi umiiwas. Kinakausap niya rin naman ako. Nagpapapansin pa kung minsan... Pero tuwing napapatingin ako sa kaniya at nahuhuling nakatitig siya, madalas seryoso lang, hindi ko alam kung anong iniisip. Minsan nga akong biniro ni Grayson na kamukhang-kamukha ko raw kasi ‘yong babaeng mahal nito. Simula n’on, nakaramdam ako ng inis sa Seatiel na iyon. Kaya lang pala niya ako tinitingnan ay dahil kamukha ko ang babaeng mahal niya? Hindi pa yata nakaka-move on kaya ako ang pinagdidiskitahan dahil kamukha ko raw. Pero siguro naman... mas maganda ako roon sa babaeng minahal niya? Baka hindi maka-move on? Sabi nina Lara ay taga-bayan daw ito, pero nakakapagtaka kasi laging nagagawi rito. Baka bored lang kaya sumasama kina Grayson? O gusto makakita ng magaganda at sexy na babae kaya punta nang punta rito. Hindi naman daw taga-rito, eh, so what could be the reason he’s always here, right? Hindi ko namalayan na pinapanood ko na pala siya sa pagbababa sa ibang huli nila. Natauhan lang ako nang tumingin ulit siya dahil napansing nakatingin ako sa kaniya. His eyes sparkled as if he witnessed something amusing. Bumaling siya kay Grayson nang kausapin siya nito. “Huy! Sino bang tinitingnan mo? May gusto ka na ba ulit kay Seatiel?” tanong ni Lara na may malawak na ngising aso at nilingon din ang dalawa roon sa dalampasigan. Kumaway sa amin si Grayson. Nalipat ang tingin ko kay Lara dahil sa kaniyang tanong. Ewan ko ba kung mali lang iyong dinig ko o ano. May gusto na ulit? Kailan ko ba siya nagustuhan? “May gusto sa ‘yo ‘yon! Halata naman, ‘di ba? Walang ibang tinitingnan ang mga mata niyan kundi ikaw lang.” Napaiwas ako ng tingin. Gumagawa kaya ito ng kwento? Magaling maghabi ng salita, eh... kapani-paniwala. “Ha? Totoo?! May gusto si Kuya Seatiel kay Ate Isla?” tanong ni Elaine na namimilog ang bibig sa gulat. “Halata, ‘no! At saka sa ganda ni Isla... tingin mo ba hindi siya magugustuhan ng mga lalaki rito? Nakakapagtaka nga na bigla silang sumisipag pumalaot kapag alam na nasa paligid lang siya.” “Naku! Bagay kayo ni Kuya Seatiel, Ate! Gwapo at maganda. Magandang lahi ‘yan!” ani Elaine at sinamahan iyon ng hagikgik. Ngumiti lamang si Lara nang tumingin sa ‘kin at hindi na iyon sinundan ng mga sasabihin. My eyes drifted to Seatiel once again as we were walking along the shore, at kahit nga malayo na kami sa kanila ay ramdam kong pinagmamasdan niya pa rin ako. Hindi ko gets ang sinabi ni Lara, pero hindi pa rin ‘yon naging hadlang para hindi ko maramdaman ang hindi maipaliwanag na lungkot. I have been sad these past few months, and I don’t even know why. Sabi nila, dapat daw ay paglaanan ko ng mga bagay itong kalungkutang nararamdaman ko. To distract myself and try to be happy. But for me, I want to know why I feel this way. May tao ba kasing nalulungkot na walang dahilan? Gayunpaman, ginagawa ko ang sinasabi nila. Inaaliw ko ang sarili at ngumingiti nang madalas. “Otsenta isang kilo, sagad na ‘yan! Aba, malulugi na ako kung mababa pa riyan!” Isang mainit na tanghali sa pamilihan. Napanguso ako sa sinabi ng ale. Ang mahal naman ng otsenta na kilo para sa prutas. Eh, ang kaunti na nga lang nito! “Sige na, Ale! Sixty pesos na lang! Kulang kasi itong pera ko,” kagat-labi kong pangungumbinsi rito. Napakamot sa ulo ang tindera sa harap ng mga panindang prutas dito sa palengke ng Buenavista. Ang ibang kalapit na nagtitinda ay nangingiti at tawa na lang. “Seventy pesos! Oh, huli na ‘yan!” “Sixty-five?” pagbabaka sakali ko sabay pa-cute. “Anak ng kamote naman, Isla. Lulugiin mo yata itong tindahan ko, eh! Hay, naku! Oh, siya sesenta y cinco! Huli na ‘yan, ha! Baka tumawad ka pa!” Malawak akong napangiti. Suki niya ako at lagi naman akong bumibili rito sa prutasan nila. Sa dami ng panindang prutas sa malaking palengkeng ito ay sa kaniya lang ako bumibili, ano! Pati sina Lara ay rito ko rin pinabibili. “Salamat po. Imposibleng malulugi ka, Aleng Tere. Sa ganda mo pong iyan, tiyak mamaya ubos na agad ‘yang paninda,” malawak ang ngiting sabi ko habang kinikilo niya ang mga napili ko. Nang makuha ko na iyon ay nagpasalamat ako at lumipat sa panibagong tindahan para bumili naman ng gulay at isda. “Tingnan mo ang babaeng iyon, balita ko bagong nakatira iyan kina Manang Adelasia. Ano kayang ginagawa niyon dito sa Buenavista? Dalaga pa raw iyan,” curious at naiiling na lamang na usapan ng mga tindera sa kalapit ng kasalukuyan kong binibilhan. “Baka malayong kamag-anak nila? Nagbabakasyon?” dinig kong sabi ng isa. “Kasal na raw iyan dati. Ewan kung anong nangyari.” Napabuntonghininga na lang ako sa narinig. Ngumiti ako sa tinderang kaharap ko at pilit na lamang na nilalabas sa aking kabilang tenga ang mga narinig na usapan. We really can’t control other people’s mouths. “Isang kilo po nito...” sambit ko sa ale. “Balita ko nga malapit iyan doon sa lalaking anak ng mayor ng La Esperanza, iyong karatig probinsya. Naku, alam na.” naiiling na usal ng isa pang babae. Napapikit ako sa aking narinig at tila may tali ng pasensya ko ang napigtas. I am trying to be nice and kind but I am not a saint! Nilingon ko iyon at handa na sana akong sumagot at manghila ng buhok kaya lang ay mabilis din akong natigilan nang mayroong humarang sa sana’y papatulan kong babae. Isang pamilyar na tindig at ayos ang bumungad sa akin. Nawala ang atensyon ko sa pag-uusap na narinig at sa halip ay napatitig na lang sa lalaking dumating, nakasuot ng isang puti at malinis na t-shirt, kupas na maong, at may manipis na chain necklace. “Magkano, Manang?” tanong nito sa natural niyang boses, malalim at nakakapanindig balahibo. Sinundan ko ng tingin ang kamay niyang dumampot sa isang mansanas bago muling bumalik ang tingin ko sa mukha ng lalaki. Walang iba kundi si Seatiel Del Fuego. Ang lalaking noong isang araw lamang ay kasama nina Grayson na pumalaot. Napatingin din siya sa ‘kin nang mapansin ang paninitig ko. Saglit lang ‘yon at binalik niya agad ang tingin sa tindera para bayaran ang kinuha niya. “Mag-isa ka lang?” tanong ni Seatiel. Hindi ako agad nakasagot, iniisip kung ako ba iyong kinakausap niya. Hindi ito ang unang beses na kinausap niya ako pero ito ang unang beses na in-approach niya ako nang kaming dalawa lamang. Napalunok ako bago tumango. “Yeah...” Hindi ko narinig agad ang sagot niya. Bumalik din ako sa pagpili ng sariwang mga kamatis. Nang tingnan ko si Seatiel ay nakatingin siya sa akin at pinagmamasdan ako. Sa mga mata niya ay may ‘di maitagong pagkamangha. Nagulat ako nang iabot niya sa tindera ang isang buong libo. “Bayad sa bibilhin niya, Manang.” Matapos iabot ni Seatiel iyon ay tiningnan niya lang ako ulit. Napakurap ako at naramdaman ang pamumula ng mga pisngi habang pinapanood na siyang umalis kahit hindi pa tapos ang pagbabalot ng tindera sa binili ko. “Hey, wait!” Nangunot ang noo ko at nang makuha ang binili ay nagmamadali ko itong sinundan pero hindi ko na siya naabutan pa. Napasimangot na lang ako at tiningnan ang malaki pang sukli ng isang libo na hindi niya kinuha. Nang hapong iyon din ay nakita ko siya sa dalampasigan. May kausap na babae, iyong narinig namin nina Lara noong isang araw. Nasa duyan ako sa ilalim ng isang puno habang tinatanaw sila, nanliliit ang mga matang pinagmamasdan ang kilos noong babaeng malawak ang ngiti at kung paano siya kausapin ng Seatiel na iyon. Natigilan lang ako nang tumingin siya sa gawi ko at nagtama ang paningin naming dalawa. Nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na lungkot. Madalas akong malungkot sa mga nakalipas na buwan matapos ang nalaman kong posibleng hindi na babalik sa dati ang kondisyon ko, that it is possible I will never retrieve my memories again. My nightmares are only getting worst. Pakiramdam ko ay kaunti na lamang at tuluyan akong mahihiwalay sa reyalidad pero pinipilit kong tulungan ang sarili kong bumalik sa sinasabi nilang dating ako bago ang aksidente. Pero sino nga ba si Isla? Sino ba ako? Ano ang ugali ko noon? Nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na lungkot. Sa kaibuturan ng aking puso ay hindi ko mawari, may lungkot na bumabalot sa malamig nitong parte. Minsan ay napaisip ako. Bakit kahit hindi ko pa pormal na nakakausap ang lalaking Seatiel ang pangalan, pakiramdam ko ay magkakilala kami? Kakaiba. Nalulungkot ako kapag nakikita ko siya, madalas hindi maintindihan ang kakaibang kabog ng dibdib. Kapag nakatingin siya sa ‘kin, nababasa ko sa mga mata niyang para bang nasasaktan siya... as if he’s getting hurt by just watching me from afar. I wonder... kamukha ko kaya talaga ang babaeng mahal niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD