Relentlessly I Nakadukdok ako sa aking mga tuhod habang nasa kama. Nasa sulok ako ng headboard at nakatulala sa kawalan habang yakap ang mga binti ko. Ilang araw na akong nandito sa aking kwarto sa mansyon ng mga La Senna. Mabilis kaming nakabyahe pabalik dito sa La Esperanza at sa isang iglap, nandito na ako sa kanilang pamamahay. For my safety reasons, they didn’t want me to go outside. Bawal akong umalis at dito lang ako. Papa Frank is on his way to jail. Pero para makatiyak na walang ibang mangyayari sa akin ay minabuti ni Mayor Eugenio na dumito lang ako. “Ma’am Isla...” ang tawag ng kasambahay na pumasok sa loob ng kwarto. Napaangat ako ng tingin. Kilala ko ang kasambahay na iyon dahil nakakapunta naman na ako rito sa bahay ng mga La Senna. Si Sonyang. “Kumain na po kayo.

