Relentlessly I
Warning: SPG
Napakurap ako at gumalaw sa kinatatayuan bago lumapit sa kama. Dahan-dahan at maingat kong inangat ang comforter para takpan ang katawan niya dahil malamok at nakabukas ang bintana.
Sinasaway ko ang sarili sa tuwing napapatingin sa mga hindi dapat tingnan. Napaangat ang mga mata ko sa kaniyang mukha.
Napatigil ako nang biglang magising si Seatiel. Gumalaw siya sa higaan at bumagsak ang tingin sa kamay kong inaayos ang comforter. Nang iangat niya ang mga mata ay tuluyang nagtama ang paningin namin.
“I-Inaayos ko lang,” napapalunok na sambit ko at agad siyang binitawan. Para akong nahuling may ginagawang masama!
“Saan ka galing? Nakatulog na ako sa paghihintay...” nakasimangot niyang sinabi at napahilot sa pagitan ng mga kilay na saka lang yata napagtantong nakatulog siya!
“Sa... sa flower farm?” kabadong sagot ko. Pilit kong winaksi sa isip ang paghahatid sa akin ni Creed.
“Galing ako roon... wala ka.” Lalo siyang napasimangot at nagsalubong ang mga kilay. “Hindi malayo ang flower farm, Lauren. Kabisado ko ang La Esperanza.”
Napalunok ako. Wala naman akong dapat itago pero sa paraan ng pagsasalita niya, para bang hinding-hindi ako makakapagsinungaling.
“Naligaw ako. Hindi ko matawid ang ilog, buti na lang merong dumating... tapos hinatid ako pabalik dito. Siguro nakaalis na ako noong dumating ka sa farm kaya ‘di mo ako naabutan saka bakit dumaan ka pa roon? Sana dumiretso ka na lang dito...” sagot ko.
“Sinong naghatid sa ‘yo?”
Sa dami ng aking tanong, iyon lang yata ang kaniyang narinig.
“May nakakita lang sa ‘kin. Creed yata ang pangalan? Kakilala raw niya si Margaret,” sagot ko. Bahagyang nangunot ang noo niya. Agad ko nang inilihis ang usapan bago niya pa madagdagan ang mga tanong. “B-Bakit nandito ka? Ganitong oras, umaalis ka na. Madilim na sa labas.” Sinulyapan ko ang mga gamit niya.
“Dito ako matutulog.”
Oh... first time niya lang matutulog dito nang gabi.
Alam kaya nina Nay Issa na nandito siya ngayon? Dahil kapag nalaman ‘yon nina Ate Aly, baka kung anong sabihin nila na nagsasama kami sa isang kwarto! Hindi daw magandang tingnan ang ganoon.
Walang kaso sa ‘kin kung dito siya matutulog pero sa ibang tao, siyempre magkakaroon ng malisya iyon!
“Sa sala na lang ako kung gano’n...” sagot ko at akmang aalis.
“Bakit sa sala pa?” usal niya at saka tumayo na rin.
Sinuklay niya ang kaniyang buhok at dinampot ang unan na ginamit niya. Lilipat sana siya sa mahabang upuan. Ni wala nga ‘yong malambot na kutson! Paano siya makakatulog?
“Dito na lang ako at diyan ka.”
“Pero hindi ka makakatulog diyan, Seatiel. Sa kama ka na lang at diyan ako. At saka hindi pa naman ako matutulog. Medyo maaga pa.” Hindi pa nga naghahapunan. Puro tulog na lang ang isang ‘to.
Tumingin siya sa ‘kin. “Alright, gisingin mo ako kung matutulog ka na.”
Tumango na lang ako kahit sigurado akong hindi ko ‘yon gagawin. Hindi na raw siya maghahapunan. Sumaglit ako sa baba at gaya nang mga nakaraan, hindi nga alam nina Ate Aly na nasa taas si Seatiel.
Hindi ko halos malunok ang pagkain at panay ang sulyap ko sa hagdan. Baka kasi bigla siyang bumaba at malaman nina Ate Aly na nandoon siya tapos wala akong sinasabi. Nagmadali ako sa pagkain at naglinis ng sarili para makatulog na.
“Goodnight, Lauren!” paalam ni Ate Aly nang pumasok na sa kwarto nila. Si Nay Issa ay doon sa sala matutulog kung saan siya naglalatag ng kutson.
“Goodnight po...” garalgal na sagot ko. Pakiramdam ko, pinagpapawisan ako nang malamig. Sinara niya na ang pinto ng kwarto nila na katapat lang nitong tinutulugan ko.
Sa sala na lang kaya ako?
Magtatabi ba kami ni Seatiel? O ako na lang doon sa upuan? Sa sahig?
Ang dami kong kailangang problemahin pero ito pa ang ginagawa kong big deal!
Pumasok ulit ako sa loob ng kwarto at nakita kong tulog pa rin si Seatiel sa kama. Like what he usually does, nag-iwan siya ng espasyo sa kalahati ng kama.
Maingat ang bawat hakbang ko at ang pagsara sa pinto. Napatulala ako sa space ng kama pabalik kay Seatiel. He’s asleep. Mabilis lang siyang magising. Konting galaw ko lang ay magigising siya agad kaya kailangan kong magdahan-dahan.
Hindi na ako nag-inarte dahil alam kong hindi rin naman ako makakatulog sa upuan. Maingat kong inusog ang kumot na gamit niya patungo sa side niya. Inurong ko ang isang unan sa side ko. Sinagad ko iyon sa pinakagilid para may space sa pagitan namin.
Maingat akong humiga sa tabi niya, pigil-pigil ang paghinga para lang ‘di siya magising. Nakahinga ako nang maluwag nang makahiga ako nang hindi siya nagigising. Matapos ko siyang sulyapan ay tumagilid na ako at hinarap ang kabilang side.
He moved a bit. Napatikom ako sa bibig at halos mahulog na ako sa gilid ng kama kakalayo ko sa kaniya. Napapikit ako.
Naramdaman ko ulit ang paggalaw ng kama, parang tumagilid siya at humarap sa gawi ko. I knew that lying down here with him was a wrong move!
“Hm... Lauren? Tulog ka na?” mahinang tanong niya sa kakagising lang na boses. His voice was husky enough to make my heart go wild.
Hindi ako sumagot. I pretended to be asleep.
“Lauren...” tawag niya ulit.
I swallowed hard. “Hmm?” I groaned, faking a sleepy voice, kunwari nagagambala niya ang tulog ko!
“Can I put my arms around you?” tanong niya na mabilis nagpadilat sa mga mata ko.
A-Ano raw?
Hindi ako sumagot. Halos mapasinghap ako nang ipaikot niya ang kaniyang braso sa tiyan ko. Sobrang lapit niya sa akin, nararamdaman ko na ang paghinga niya sa likod ko.
Hindi ako gumalaw. Kahit bumalikwas, hindi ko magawa. Hindi ko yata kakayaning harapin siya.
“Aalis ako nang maaga. May pupuntahan ka ba bukas?”
Akala ko ba inaantok ang isang ‘to?!
“Flower farm. Buong araw iyon sabi ni Ate Aly,” sagot ko at sinara din agad ang mga labi dahil sa kalabog sa aking dibdib dala ng braso niyang nasa akin. My face is burning, parang nilulubog sa kumunoy ang aking paghinga and I couldn’t stop giving all of my attention to his arm.
“Dadaan ako roon bukas. Huwag kang magpapahatid kahit kanino,” malinaw niyang sinabi at may tunog pa ng pait.
“Mabait iyong Creed, and it just happened na naligaw ako kanina.” Malalim siyang bumuntonghininga at mas hinapit ako palapit. Hindi na ako nakatiis. “Bakit nandito ka ngayong gabi, Seatiel? Paano iyong tinutuluyan mo?”
“Nahihirapan akong makatulog doon. That’s why I’m here,” sambit niya. “Am I making you uncomfortable?”
Mabilis akong umiling. It’s just that...
Malalim akong napahinga. “Matutulog na ako...” sabi ko’t pinikit ang mga mata.
Sumagi sa isip ko noong magkasama sila ni Tamsiah. Saan niya kaya hinatid ang babae? O siguro magkasama sila buong gabi. At saan ba siya tumutuloy? Hanggang ngayon ‘di niya sinasabi iyon.
He sighed at pagkatapos ay inalis ang pagkakapulupot ng braso. Napalunok ako. It suddenly felt empty without his arm around me. Parang bigla akong nilamig nang lumayo siya nang bahagya.
“Kailan ka babalik ng Maynila?” mahinang tanong ni Seatiel, almost inaudible. Nagulat ako roon at natigilan. Iyon ang pinakaunang beses na pag-uusapan namin ang tungkol dito at siya pa ang nagbukas ng usaping ‘yon.
“I don’t know yet... p-pinapaalis mo na ba ako?” Parang may kung anong nagbara sa lalamunan ko.
Seatiel chuckled a bit. “I’ll leave for Manila tomorrow night.”
Sa gulat ko ay napabalikwas ako at napalingon sa kaniya. “A-Aalis ka?”
Nakatingin na siya sa akin kaya nagtama agad ang paningin naming dalawa. He nodded slightly. “I have to work on a few things in Manila. Iyon ang inaasikaso ko ngayon. Marami akong ginagawa kaya wala ako lagi. Saglit na lang naman. Kaya kung gusto mo, pwede ka nang sumabay sa ‘kin.”
Naramdaman ko ang pagbigat ng dibdib ko. Paano kung ayoko? P-Paano kung ayokong bumalik? Sabi niya ay marami pa siyang ituturo sa akin and now he’s suddenly bringing up Manila?
“Paano kung a-ayoko pang umalis?”
Napatitig siya sa ‘kin. His jaw clenched a bit but his eyes remained soft. “You need to go.”
Hindi ko maintindihan. Gusto niya na akong umalis? Pinapaalis niya na ako?
Hindi ako nakasagot. My lips parted. Ayokong mapansin niya ang reaksyon ko kaya muli ko siyang tinalikuran at hinarap ang kabilang side ng kama.
Wala siyang sinabing mali, Isla. You need to go! You need to leave this place. Hindi ito ang bahay mo... hindi ito ang lugar mo.
Pero bakit nasaktan ako sa narinig ko? Gayong wala namang mali roon. Magaling na ako. Kaya ko na ulit ang sarili ko. I’m in the right state of mind to leave La Esperanza now, pero bakit tila tutol doon ang buong sistema ko?
Narinig ko ang malalim na paghinga ni Seatiel sa likuran ko. Kasunod niyon ay naramdaman ko ang pagpulupot muli ng braso niya sa ‘kin. Kung kanina ay nagtira pa siya ng kaunting espasyo sa pagitan namin, ngayon ay halos tumama sa leeg at tenga ko ang kaniyang mainit na paghinga.
“You need to leave, Lauren. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at angkinin kita sa lugar na ‘to. I can’t imprison you here.” He swallowed hard, ang boses ay nagkaroon din ng bigat. “This is your only chance to escape from me. Kung hindi ka aalis ngayon, you’ll be stuck here with me. Hindi na kita... paaalisin,” magaspang niyang bulong.
It felt as if Seatiel’s words had struck me like lightning. Hindi na normal ang t***k ng puso ko sa mga salitang binitawan niya.
Anong ibig niyang sabihin?
Gumalaw ako nang kaunti para harapin siya, ngunit tumama ang tungki ng kaniyang ilog sa aking leeg. I couldn’t turn around fully and instead, I felt his hot breath against the skin of my neck.
“Oh...” Memories from that stone house in the middle of the field flashed in my mind!
“I wanna kiss you,” he smirked and straightforwardly told me that!
Uminit ang aking mukha. Napakagat ako sa aking labi nang naramdaman nga ang dampi ng malambot niyang labi sa leeg ko!
“Uh, Seatiel...”
“f**k, masiyado mo akong binabaliw,” bulong niya.
Hindi ako makapagsalita. Ang tanging naiintindihan ng sistema ko ay ang mga salita niya at ang mainit niyang labi sa leeg ko.
“Damn... I’m sorry,” bawi niya at sinikil ang sarili. Inalis niya rin ang pagkakakulong ko sa kaniyang mga braso at parang may off switch na napihit sa aking buong sistema at hindi ako makapaniwala roon!
Nilingon ko siya, my breathing labored and my eyes wandering. Tila nagpapantay ang nararamdaman namin sa isa’t isa... o kung mas lamang ang akin ay hindi ko alam.
Napatingin ako sa mga labi niya paangat sa kaniyang mga mata. There, it hit me.
I think... I like him... I-I like Seatiel. Am I crushing over him? O mas higit pa ito sa simpleng paghanga?
“Don’t you want to... kiss me?” tanong kong pahina nang pahina, tila ba isang simpleng bagay lang ang sinabi.
Amusement filled Seatiel’s eyes. Mahina siyang natawa kasabay ng maliit na ngisi. “You’re too cute... and innocent. At ano? Hahayaan mo akong halikan ka?”
Hindi ako nakasagot. Nakatingin lang kami sa isa’t isa.
Does he like me? G-Gusto niya ba ako? Or at least, he found me attractive?
Unti-unti ay mas naging malalim ang tingin niya sa ‘kin. “I don’t think I can settle for just a kiss tonight, Lauren.”
A-Anong ibig niyang sabihin? Ayaw niya ng halik lang?
Magsasalita pa lang sana ako nang maramdaman ko na ang muling pagdampi ng labi niya sa leeg ko. Unti-unti niyang inangat ang sarili mula sa kama at tinukod ang isang kamay sa kabilang gilid ko. Napasinghap ako at agad kumalabog ang dibdib.
It happened like a flash of light. Napapikit ako nang naramdaman ang banayad na galaw ng labi niya paangat sa panga ko. I tilted my head so he’d kiss me more and hoped he wouldn’t pull away. Hindi ko alam kung saan ako hahawak gayong tinatangay niya na lahat ng lakas ko kahit iyon pa lang ang nangyayari.
Naitiklop ko ang isang binti at naging sagabal ‘yon kaya gano’n na lang ang singhap ko nang hawakan niya ang binti ko at binaba ‘yon sa kama. Para akong nakuryente sa haplos ni Seatiel.
“Don’t move... ako ang gagalaw,” bulong niya. “If you don’t want to lose your virginity tonight.”
W-What is this? M-Make out make out lang?! Nakikipag... make out ako sa kaniya?!
“H-How did you know I’m...”
Mahina lamang tumawa si Seatiel. “Obvious.”
“W-What?” Namula ang pisngi ko.
Kung ganoon, wala siyang balak na g-gawin ‘yon? Anong gagawin namin?
Napakapit ang isang kamay ko sa braso niya nang sa unang pagkakataon ay halikan niya ang labi ko. Parang may nagwawalang mga insekto sa dibdib at tiyan ko dahil sa malambot niyang mga labi. He let his hot tongue brush against mine, claiming me.
My heart is beating so loudly. Napapikit ako at napakapit din sa kaniyang batok habang nararamdaman ang malalim na halik na pinagsasaluhan namin. A womanly moan rolled out of my mouth as soon as I felt the sensation his wild kiss sent through me!
Kinopya ko ang mapusok na galaw ng mga labi ni Seatiel. Mula sa palad niyang nasa panga ko ay unti-unti ‘yong nagtungo sa tiyan ko. Sinadya niya ‘yong haplusin at padaanin sa dibdib ko. Gumuhit siya ng tila linyang dumaan sa tuktok ng dibdib ko na halos ikakislot ko mula sa higaan at napaawang ang mga labi sa kaniyang bibig.
Pinakawalan niya ang labi ko para tingnan ang reaksyon ko nang pumailalim ang kaniyang kamay sa dress. Nasa mga mata niya ang tingin ko ngunit ang buong atensyon ko ay nasa mainit niyang palad na unti-unting humaplos sa tiyan ko pababa sa aking puson!
Mas bumigat ang paghinga ko. My heart skipped. Napapikit ako nang maramdaman ang kaniyang haplos sa ibabaw ng tela sa pagitan ng mga hita ko. Naikuyom ko ang kamay sa sobrang tensyong nararamdaman.
“Oh...” usal ko at sumagap ng hangin dahil ayaw ko na ma-distract siya kung hindi na ako makahinga!
Seatiel gently parted my legs. Hinawi niya ang panloob ko. He feathery touched my feminity na nakagat ko na lang ang aking labi sa pagpipigil na sundan ang haplos niya.
“Damn, you’re wet,” napapaos niyang sinabi. Mas dumilim ang mga mata niya at bumigat ang paghinga.
Pahigpit nang pahigpit ang kapit ko sa kaniya. He’s teasing me. Kada matatamaan ng daliri niya ang pinakasensitibong parte nito ay dumudoble ang antipasyong nararamdaman ko.
“Seatiel...” hindi mapigilang tawag ko. s**t!
Niyuko niya ako at inangat ang dress hanggang sa puson ko. Nang tingnan ko ang ginagawa niya ay parang dumoble ang init ng pakiramdam ko. Nagsimula siyang halikan ang tiyan ko pababa hanggang sa marating niya ang parteng ‘yon.
Napahawak ako sa bedsheet, natatakot na masipa ko siya sa paglilikot ng mga binti ko. I can’t stop!
He licked me. Kung noon ay mga daliri lamang ang gamit niya, ngayon ay kasama na ang dila niyang kasing eksperto ng mga daliri niya nang gabing ‘yon.
Halos pagpawisan ako. I can’t moan. I shouldn’t make a single noise! Nasa kabilang kwarto lamang sina Ate Aly. Sa mismong tapat namin! At sa baba ay si Nay Issa.
“Ohh...” Tumakas ang ungol sa ‘kin kaya mabilis kong tinakpan ang bibig ko.
Seatiel slid his tongue through my folds. Halos umangat ang likod ko sa kama.
Sunod-sunod ang mabibigat kong paghinga. Akala ko nang tumigil ang kaniyang dila ay bibigyan niya ako ng pagkakataong kumalma kaya ganoon na lang ang halos pagtakas ng daing sa bibig ko nang mas naramdaman ang kaniyang mga labi at dila sa pagitan ng mga hita ko at sunod-sunod iyong pinakilos doon.
And damn, I almost lost my sanity when I felt his finger began to massage that spot. Nagsanib pwersa pa yata ang dila niya at daliri!
Halos dumugo ang labi ko para lang mapigilan kong gumawa ng ingay. Muli siyang umangat at pinantayan ako.
“S-Seatiel... uhmm...” Pinilit kong magmulat. Nakagat ko ang labi at tuluyang napapadaing, as I felt his finger move inside of me. Iisa pa lang iyon pero para na akong mahihimatay!
Dumilat ako at tiningnan siya. Pinapanood niya pa ang yata ang reaksyon ko sa sarap na binibigay ng daliri niya sa ibaba ko.
“Ah!” Hindi ko na napigilan nang may matamaan siya sa loob ko. Napahawak ako sa kaniyang braso para patigilin dahil hindi ko na kaya. Pero nang isagad niya iyon at mas binilisan pa ay mas lalo lang dumoble ang sarap! Hindi ko na alam kung itutulak ko pa ba iyon papalayo o sabayan ang galaw nito paloob!
“You’re causing me pain,” mabigat ang paghinga niyang bulong at patuloy pa rin. He added a digit inside me, ngayon ay ang gitnang daliri at ring finger niya ang nasa loob ko. His fingers are thick and long, ano pa kaya iyong tinatago niya?!
“Seatiel!” asik ko, gusto na talaga siyang itulak dahil sa sobra-sobrang pakiramdam.
Hinawakan ko ang maugat niyang kamay at doon napakapit. My legs are trembling, barely holding me up. Napaungol ako nang may natamaan pa siya sa loob. Nagdedeliryo na yata ako!
“Ahh...”
“s**t, the pain in my groin is killing me,” he grunted.
Halos manlaki ang mga mata ko nang maramdaman ang kaniya na tumatama sa hita ko. His bulge is damn hard! Kahit may suot pa siyang pang-ibaba ay hindi ‘yon hadlang para hindi ko maramdaman ang bagay na ‘yon. He’s so hard... at sa sobrang umbok niyon ay parang alam ko na kung gaano kalaki!
I knew I should’ve asked Louise how to pleasure a man! Hindi ko alam ang gagawin ko. All I can do is moan and drown in the pleasure he’s giving me. Ilang napapatakas na daing ang napakawalan ko na mas ikinadadalas ng mura niya.
“Everyone’s asleep, Lauren,” namumungay ang mga matang sabi niya.
“Then, s-stop it!” Parang kasalanan ko pa! If he didn’t come this far, hindi ako mapapasigaw!
“Itigil ko?”
“W-What? N-No. Ah!” Naibagsak ko ang sarili sa unan nang may kumawala sa puson ko. Binigay niya naman ang bigat niya sa ‘kin at malalalim pa rin ang paghingang hinalikan nang marahan ang leeg ko habang habol-habol ko ang sariling paghinga.
Hinugot niya ang daliri. Halos mamula ang mukha ko nang makita ang nangingintab niyang daliri dahil sa pagkakabasa ko!
Pinisil niya ang hita ko habang pinapakalma ako mula sa nakakabaliw na pakiramdam. His fingers alone made me come. Kahit yata ang hawak niya, nakakawala rin ng katinuan.
“This is painful. I’m f*****g aching,” he whispered. Namula ang mukha ko dahil alam ko ang tinutukoy niya sa bagay na ‘yon. “Am I going to touch myself again?” He shot his brow up.
Nagkandabuhol-buhol muli ang tiyan ko. Nagtama ang paningin namin ni Seatiel nang unti-unting gumapang muli ang mga kamay niya paangat sa bewang ko.
“Uh, w-what can I do?”
“Do mine,” he tempted. “Touch me, Lauren.”
My lips parted. Bumaba ang tingin ko at hindi maiwasang mapalagok.
He pulled me up in my waist at sa isang iglap ay nagkapalit kami ng pwesto. Ngayon ay nasa ibabaw niya na ako at siya ang nasa ilalim ko!
“A-Anong gagawin ko?” kabadong tanong ko. I... don’t know what to do.
Seatiel chuckled. Ngumisi siya. Napababa ang tingin ko sa pantalon niya habang nasa mga hita niya ako. Namumungay ang mga mata niya at natatawa.
“First lesson? Marami akong ituturo sa ‘yo, hindi ba? Lahat ng gusto mo, pagbalik ko... ituturo ko lahat.” He pulled my waist playfully.
“‘Yong horse riding?” I genuinely asked.
“Pagbalik na pagbalik ko... so, stay longer, Lauren... dito ka na lang... sa La Esperanza... sa ‘kin,” he said. Sincerity is in his voice... “Hmm?” paos na usal niya sabay halik muli sa ‘kin...