Kabanata 36

2980 Words
Relentlessly I Pasakay na kami sa bangka para bumalik sa kabilang isla, pero wala pa ring tigil ang mga bata sa pangungulit sa akin, tinatanong kung sino ang crush na tinutukoy ko. They are too innocent to find out about this, too innocent to even realize whom I am talking about! Mabuti na rin iyon at baka wala na silang gawin kundi ang kantyawan kami ng Kuya Seatiel nila. “Salamat, Mang Santiago... babalik ako sa susunod na araw para sa napag-usapan,” sabi ni Seatiel habang inaayos ang bangkang sasakyan namin. Malawak na ngumiti ang tinawag niyang Mang Santiago bago tinapik ang kaniyang balikat. “Tamang-tamang na uuwi na kayo. Mukhang kailangan nang magpahinga nitong si Lauren,” saad ng isang ale. Napatingin sa akin si Seatiel dahil sa sinabi nito. Napaangat din ang tingin ko sa kaniya habang sina Cindy ay walang tigil sa paghila sa laylayan ng damit ko para kulitin kung sino ba ang tinutukoy kong crush kanina. Nagkatinginan kami bago ako napatikhim, namumula ang mukha. “Oh, bakit namumula ka bigla, hija? Kanina lang ay maputla ka!” puna ng isang ale na mukhang napansin ang naging reaksyon ko! “Ah, ayos lang naman po ako...” “Siya, sige, mabuti pa nga makapagpahinga na itong si Lauren, Tiel!” sabi ng ale sabay tawag sa mga batang kalaro nina Cindy para hayaan na kaming makaalis. Tuluyan na rin kaming nagpaalam. Hinawakan ko ang kamay ni Cindy nang paakyat na kami sa bangka. Sakto lamang ang pagiging kalmado ng mga alon. Hindi rin masakit sa balat ang araw dahil sumisikat pa lamang iyon. Malamig pa rin ang hangin at tuwing dumadampi iyon sa balat ko ay nakakapanindig balahibo. Nang makasakay sina Bom at Cindy ay nagpaalam na sila sa mga kalaro. When it was my turn to step onto the boat, bago ko pa mamalayan ay hawak na ni Seatiel ang kamay ko para alalayan ako. “Kuya Seatiel, gusto namin mangisda! Kahit saglit lang po! Dating gawi... please po!” Iyon agad ang bungad ng dalawa kahit hindi pa umaandar ang bangka. “Hindi pwede, Cindy... magpapahinga pa ang Ate Lauren mo.” “Uh, no, I think it’s fine!” agad na sagot ko, na ikinatuwa naman ng dalawang bata. Ayoko namang maging kill joy! At kung iyon nga ay dating gawi na, maganda kung gagawin pa rin nila kahit nandito ako. Tumango ako nang napatingin sa akin si Seatiel. Hindi naman talaga masama ang pakiramdam ko at isa pa ay gusto ko ring masubukan. He brushed his hair because of the wind, saka sinimulan na ang pagpapatakbo sa bangka. Pinadaan ko ang dulo ng aking mga daliri sa tubig habang sinalubong ng bangka ang alon. Hinayaan ko ang malamig na hangin na tangayin ang buhok ko. “Ate Lauren, nakatulog ka po ba nang mabuti?” tanong ni Cindy. Tumango ako kahit na ang totoo ay puyat kami! “Ikaw ba? Hmm? Did you sleep well?” tanong ko at ginulo ang kaniyang buhok. “Ay, hindi po kami natulog agad, eh! Nagdating gawi rin po kami!” “Huwag mong sabihin, Cindy! Pagagalitan tayo nila Nanay, eh!” kontra naman ni Bom. Now, it piqued my interest. Ako naman ngayon ang hindi sila titigilan. “Ano iyon, Cindy? Anong dating gawi? Baka magustuhan ko ring gawin...” Nag-aalinlangan pa si Cindy na sabihin iyon. Kanina ay excited pa siya. Ngayon, naisip na rin ang sinabi ni Bom na baka kapag sinabi niya ay pagagalitan sila. “It’s our secret... hindi ko sasabihin kahit kanino.” “Promise po? Kahit kay Kuya Seatiel?” tanong ni Cindy. Tumango naman ako. “Hindi po kami natulog nang maaga kasi pagkatulog ng lahat, tumakas po kami... nanood po kami ng stars sa buhanginan.” Sa sobrang hina ng boses ni Cindy ay hindi ko na iyon halos marinig. “T-Talaga?” “Opo, Ate Lauren! Pumunta nga po kami sa inyo, eh! Kaso bigla pong sinara ni Kuya Seatiel ang bintana kaya ‘di na po kami kumatok... saka madilim din po, eh.” Parang tumigil ang mundo ko sa narinig. Isang peke at kabadong ngiti na lang ang naisukli ko kay Cindy at tumahimik buong pagtawid namin ng isla. Gusto ko siyang tanungin kung umalis ba sila agad pagkatapos niyon, but of course that would be weird! If the kids really saw us... yari ka sa ‘kin, Seatiel Del Fuego. The boat stopped near the shore. Ngayon ay ramdam ko na ang mga alon. Excited sina Bom at Cindy. Dalawa lang ang pamingwit na mayroon at kinuha na nina Cindy ang isa. “Seatiel... gusto ko ring subukan,” saad ko habang pinapanood kung paano iyon gawin ng dalawang bata. Naglalagay sila ng pain sa hook at inilulubog iyon sa tubig. Abala ako sa pagmamasid kaya hindi ko masiyadong pinansin ang mahinang tawa ni Seatiel dahil sa sinabi ko. “Ano iyan?” tanong ko kay Seatiel habang titig na titig sa bulate na gumagalaw sa hook. Inilapit niya sa akin ang pamingwit na ikinaatras ko! “Tiel... ‘wag ‘yan! Iyong patay na lang!” Tawa ang sinagot ni Seatiel doon. “Bakit? Takot ka na ngayon sa gumagalaw?” He smirked. Napanguso ako dahil buhay talaga iyon! Tinuro niya sa akin kung paano iyon gawin, but I really couldn’t do it. Ang tanging nagawa ko na lang ay ilubog iyon sa tubig! May nahuli na agad sina Bom at Cindy kaya tuwang-tuwa ang dalawa. “Kailangan mong higpitan ang hawak para hindi mabitawan,” sabi ni Seatiel habang tinuturo ang tamang paglulubog dito. Iniiwas ko ang kamay ko kaya hinahawakan niya para panatilihin sa pamingwit. Panay ang tawa ng dalawang bata dahil sa reaksyon ko sa pain. Natatawa na lang din ako kahit natatakot lalo pa at nilalapit din ng magaling na si Seatiel! “Don’t let go...” Mahigpit niyang hinawakan ang kamay kong nakahawak sa pamingwit. Naramdaman ko na ang init ng kaniyang katawan sa aking likod. Tutok ang atensyon ko sa tubig para hintayin ang kakagat sa pain. Hindi ko na namalayan ang tingin ni Seatiel sa tabi ko. Nanahimik din siya habang panay ang react ko sa pag-aakalang may isda na sa hook pero galaw lang pala ng tubig dahil sa alon! Nawala ang atensyon ko sa tubig at napatingin kay Seatiel. He’s taking his shirt off all of a sudden. His tall built towered over me at dahil nakaupo ako sa pinakagilid ng bangka at kaharap ang tubig ay napatingala ako sa kaniya. Hindi ko napigilang mapalunok sa kaniyang pag-aalis ng damit, my eyes roamed over his perfectly sculpted abs and muscles. Nakita ko na ang katawan niya. Countless times! But I still can’t stop myself from staring every time he takes his shirt off. Hinawi ko ang buhok kong tumabon sa aking mukha nang humampas ang hangin para lang hindi maharangan ang ginagawa kong pagtingin sa kaniya, which made Seatiel chuckle a bit before diving into the water. Nasa tubig na siya at binabasa ang kaniyang buhok. Nakatingin ako sa kaniya kaya hindi ko namalayang gumalaw na ang pamingwit. Kung hindi pa ako tinawag ni Cindy ay hindi pa ako mapapatingin doon. Nawala rin agad ang interes ko sa paghuli ng isda. Ngayon ay gusto ko ring lumangoy. Tumayo ako sa bangka para magpakahulog din. Marunong na akong lumangoy, hindi magaling pero natutunan ko na. Mabuti na lamang at hindi namilit sina Cindy na lumangoy rin, marahil ay nagsawa na. Biglaan ang paglangoy ko sa tubig kaya kahit alam ni Seatiel na marunong na ako ay hindi niya maiwasang agad akong alalayan. It was so cold I started to shiver! “Oh! It’s so cold!” singhap ko nang napagtantong malamig! Parang wala lang kasi sa kaniya! Seatiel breathed sharply. Pinitik niya nang kaunti ang noo ko. “Lalamigin ka,” saad niya. Ngumisi lang ako at aminado namang gustong gayahin ang kaniyang mga ginagawa. “I-Ikaw rin!” Seatiel tsked. Kinapit niya ang braso ko sa kaniyang leeg habang tumutulak siya patungo sa bangka para isampa akong muli. “Gusto ko lang namang lumangoy,” sabi ko dahil ibabalik niya ako sa bangka. Nanginginig na agad ako sa lamig lalo na nang umihip ang hangin. “Yes, later. Not now. Masiyadong malamig. You’ll get cold,” he said with finality. Ngumuso ako ngunit bago pa kami makabalik sa bangka ay may narinig na kaming tila mga usapan. Mula iyon sa isang maliit na yate na kakatigil lamang sa pantalang yari sa kahoy. Napaawang ang labi ko nang makita si Mayor Eugenio La Senna na naka-sunglasses pa, sakay ng small yacht at may ilang kasama. “Si Mayor iyon, hindi ba?” pabulong na sabi ko kay Seatiel kahit obvious naman. Inisang tingin niya lang iyon at pinulupot na ang kamay sa bewang ko para mabalik sa bangka. Inabot niya ang kaniyang t-shirt kanina. Basa ang buhok ko at nanlalamig ang mukha, but it didn’t stop me from smiling when the don looked in our direction. Hindi naman kalayuan ang pantalan sa pwesto namin at una kaming napansin ng kanilang kasama. Inalis ni Mayor Eugenio ang kaniyang sunglasses at tumingin sa gawi namin, may itinanong sa kasama. Kumaway ako roon kahit hindi ko alam kung dapat ba. Titig lang sa akin si Seatiel. “What? Mabait si Mayor Eugenio, Seatiel... lagi nila akong iniimbitahan sa mansyon nila,” kwento ko. Naalala ko ang sinabi ng ale roon sa kabilang isla, na may matagal nang alitan ang mga La Senna at Del Fuego, but that doesn’t mean that Seatiel is automatically included, right? Baka naman mga magulang lang nila iyon. But when Seatiel didn’t say anything, napakurap ako sa kaniya. Hindi naman siya mukhang galit, hindi rin malamig. He’s just watching me. Nang ngumiti ako sa kaniya ay naging marahan din ang titig niya. Ang matipuno niyang mga balikat ay nangislap sa pagkakabasa sa tubig. Habang nakapaikot ang kaniyang kamay sa bewang ko sa ilalim ng tubig. I saw Mayor Eugenio from afar, bumababa na sila sa yate. I tried to find Creed, too, but he’s not with them! Pinadaan ni Seatiel ang kamay sa basang buhok habang ang kamay ko’y nasa kaniyang balikat bilang suporta at hindi matangay ng alon. Tiningnan niya ang tinitingnan ko. Dahil sa pag-side view niya ay tumama ang sinag ng araw sa kaniyang mukha, highlighting his jaw perfectly. Naalis ko na ang tingin sa tabing-dagat kung nasaan ang mga bumaba sa yacht at napapakurap na nakatitig sa kaniya. Tamsiah and the other girls really picked their obsession well, huh... Nang nasa dalampasigan na rin kami at naitabi na ang bangka ay sinalubong kami agad nina Mayor Eugenio na mukhang naghintay rin. Suot ko ang damit ni Seatiel pero nabasa rin iyon ng basa kong damit! “Lauren, hija? Ikaw nga...” bati ni Mayor at isinuksok ang sunglasses sa damit. “It’s been a long time, hija.” Agad niyang hinarap ang mga kasama. Ngumiti naman ako at hawak sa mga balikat si Cindy na nakatingala lamang sa mga iyon at mukhang hindi gaanong interesado. Si Bom naman ay kasama ni Seatiel at nandoon pa sa gawi ng bangka. Dalawa ang mga kasama ni Mayor. Ang isa’y may katandaan, ang isa naman ay mas bata pa. “Let me introduce you to them, hija. This is Fernan, my amigo. Isa sa mga kaagapay sa pagpapatakbo ng mga proyekto rito sa bayang ito,” sabi ni Mayor Eugenio saka nilipat sa isa pa na napatingin sa akin. “At ito naman si Grad Ives Constello... a promising son of one of my amigos in La Esperanza,” nagagalak na dugtong nito. Ngumiti ang lalaking iyon sa akin. Matangkad, moreno nang kaunti, at may medyo pormal na tindig. Obviously rich. “Ives... this is Miss Lauren, a friend of Creed,” pakilala ni Mayor Eugenio sa akin. Ngayon ay nag-alinlangan ako. Basa ako, probably shaking in coldness kung halata man. Maging ang buhok ko ay basa rin. Lumapit lang ako dahil akala ko’y nais lang akong batiin ni Mayor Eugenio. Hindi ko alam na ipapakilala niya rin! Inabot ng lalaki ang kamay sa akin, still looking at me. Naghihintay sina Mayor na abutin ko rin iyon. Out of politeness, I shook hands with all of them, kahit pa nga nanlalamig iyong kamay ko. “I’m sorry for suddenly approaching, Mayor... mukhang busy po pala kayo...” saad ko. “Oh, no, hija. It’s a good timing, dahil gusto na rin kitang imbitahan sa mansyon bukas. Kaunting salu-salo lamang, a welcome party for Ives. He just came back here and is staying for a while. We’re developing an architectural project,” balita ni Mayor Eugenio. Napatango naman ako at tipid na ngumiti. “Ives... itong si Miss Lauren ay magaling magpinta,” tila ba segway ni Mayor sabay ngiting pabiro sa lalaki. He then looked at me. “Ives is Creed’s classmate from college in Manila, hija...” “Amigo, masiyado kang halata... may proseso ang mga bagay-bagay para sa mga bata ngayon. Masiyado mo silang minamadali... tinatakot mo si Miss Lauren,” sabay tawa ng kasama nilang isa, which earned a hearty laugh from others. May lumapit mula sa mga naghihintay sa kanila sa dalampasigan, maybe to assist. “U-Uh, pasensya na, Mayor... mauuna na po kami...” paalam ko dahil hindi rin naman talaga magtatagal. Hindi ko alam kung sadyang hindi niya nakita si Seatiel, or if he chose to ignore him. Akala niya yata ay dahil iyon sa nilalamig na ako kaya ako nagpaalam! Nagulat ako nang biglang mag-alis ng suit jacket iyong si Ives sabay abot sa ‘kin. “Too early for swimming... Miss Lauren, right? Sino ang kasama mo’t hinayaan kang lumangoy?” “Salamat pero hindi na kailangan. Pauwi na rin kami...” I politely declined, at simpleng ngumiti. “Take it. Hindi naman siguro magagalit ang boyfriend mo kung meron man?” sabi ni Ives na inaabot pa rin ang pampatong na damit kahit sinabi kong hindi na kailangan. Bago pa ako makapagdesisyon kung tatanggapin iyon o hindi ay may tumanggap na niyon mula sa gilid ko. Napaangat ang tingin ko kay Seatiel na nakatingin kay Ives, seryoso at nagtitimpi. “Magagalit ang boyfriend niya. Thanks for the concern.” Nagulat ako sa sagot ni Seatiel. Natahimik pati sina Mayor Eugenio na tumikhim. “Del Fuego... I didn’t know you’re with Lauren?” Pakiramdam ko’y peke ang tawa ni Mayor Eugenio. Hindi na sila naghintayan na makabuo ng usapan dahil tinapik na lamang ni Mayor ang balikat nina Seatiel at Ives bago sila tumalikod ng amigo niyang naiiling habang may bakas ng tawa sa labi. Hindi man lang inalis ni Seatiel ang tingin kay Ives na napangisi. Looks like he found it amusing. Tumikhim ito sabay suksok ng dalawang kamay sa magkabilang bulsa. Lalo pa yata akong nilamig sa tensyon nila! “She’s shivering...” puna ni Ives. Napaangat ang tingin ko kay Seatiel na lalong tumalim ang ekspresyon. Nakita ko ang pagdilim ng tingin niya at pag-iigting ng kaniyang panga sa pagpipigil, hindi gusto ang narinig. Hinapit niya ako palapit sa kaniya lalo habang nakatingin sa lalaking iyon. “Take your eyes off her... or we’ll have problems here.” Ives stopped a bit. Nanlaki ang mga mata ko sa tinuran ni Seatiel. Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan. “Pasensya na... we’ll go,” paalam ko at hinila na si Seatiel palayo roon. Ganoon din si Cindy na nakatingin nang masama sa bisita ni Mayor! “Hindi ko gusto ang tingin ng lalaking ‘yon sa ‘yo,” saad ni Seatiel noong pabalik na kami sa baryo. Seryoso pa rin siya. Magkasalubong pa rin ang kaniyang mga kilay at bakas ang iritasyon sa mukha. “Hindi naman siguro ganoon ang ibig sabihin niyon, Tiel.” He clenched his jaw again. Bumuntonghininga ako at hinawakan ang braso niya. “Huwag nating pag-awayan ‘to, Seatiel, please...” Hindi na siya sumagot. Medyo sumasakit na rin ang ulo ko at kanina pa nga nilalamig nang husto. “Ate Lauren, Kuya Seatiel... nag-aaway po ba kayo?” tanong ni Bom habang nakatingin sila sa amin. Nailing si Seatiel at humugot ng paghinga, pero ang pait sa ekspresyon niya ay hindi pa rin mawala. Mukhang may malalim pang iniisip. Hanggang pag-uwi kina Ate Aly, hindi na nawala ang sama ng aking pakiramdam. Akala ko ay mawawala iyon ngunit ganoon pa rin. Napatigil na rin ako sandali sa paglalakad at napahawak sa isang tabi. “Ate Lauren?” tanong ni Cindy nang nalingunan ako habang inayos ni Seatiel ang kaniyang tsinelas. Napalingon agad si Seatiel sa aking gawi. My head is already spinning. Narinig ko na lang ang kaniyang mura at mabilis na pagdalo sa akin. “Lauren, are you okay? What is it?” tanong niya at hinawakan agad ang balikat ko. “O-Okay lang ako,” sagot ko kahit ramdam ang pamumutla. Napahawak ako sa aking tiyan na bigla na lamang ding sumakit, siguro dahil sa lamig. I insisted that I’m alright. Umabot din naman kami roon sa baryo. Ayaw kong magpabuhat dahil ayos lang din naman ako at kaya ko! “Ayos ka lang ba, Lauren?” tanong ni Ate Aly noong makarating kami. Sinikap ko pang ayusin ang aking sarili. “Ayos lang po,” simpleng sagot ko. “Namumutla yata si Lauren?” puna rin ng isa pang ale. “A-Ayos lang—po.” Napahawak ako sa aking ulo. I felt my whole world spin around! Tuluyan na akong napapikit at naramdaman na lang ang hawak ni Seatiel. Nagulat din sina Ate Aly ngunit wala na roon ang aking atensyon. “Tiel...” usal ko dahil sa aking pagkahilo at sumakit nang husto ang tiyan ko. Mahinang napamura si Seatiel, at bago ko pa mamalayan, tuluyan niya akong binuhat hanggang naramdaman ko ang tuluyang pagkawala ko ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD