Kabanata 8

3778 Words
Relentlessly I “Lumabas na ang results ng exams mo. So far ay mabuti ang lagay mo, Miss Lauren. Though, the pain must be bothering you a lot. Sa tuwing hindi ka makatulog sa sakit at hapdi, pwede mong inumin ang mga nireseta kong gamot,” paalala ng doktora. “Huwag mo ring kalimutang malinisan at malagyan ng ointments at mga gamot ang mga sugat para hindi ito maimpeksyon.” “Salamat po, Doc,” sambit ko at tiningnan ang results ng mga exam na isinagawa sa akin. Mabuti na lang at wala namang nabaling buto. Mukhang napilay lang. Sumulyap ako sa pintuan kung saan nakatayo si Seatiel habang nakasandal sa hamba nito at magkakrus ang mga braso. Bumuntonghininga siya sabay tayo nang tuwid. “I’ll wait outside, doktora.” Tumango ang doktora sa sinabi ni Seatiel. Tumingin pa siya sa akin bago tuluyang lumabas ng pinto at hinayaan kaming dalawa. “Do you want to tell me something, Miss Lauren?” Napalunok ako. Parang may nakadagan sa dibdib ko. Mabigat din ang bawat paghinga at kahit anong pigil ay nanginginig ang aking mga kamay. Gusto kong magsalita pero may kung ano sa sarili ang pumipigil sa ‘kin. I can’t even find the right words to say. Gusto ko na lamang umiyak sa sobrang frustration na nararamdaman. Hinawakan ni Doktora Mirea ang balikat ko at tumango, tila ba naiintindihan niya ako. “Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo, Lauren. It takes time to process and heal everything... just tell me when you’re ready...” Hindi na rin ako nakapagsalita pa kaya tumango na lang ako at umayon sa sinabi nito. Lumabas din ang doktora. Sinabi niyang magiging maayos din ang lahat at mabilis lang gagaling ang mga sugat na natamo ko. With my physical wounds, yes. Time can heal all of these. Pero ang sugat sa alaala ay magagamot ba ng oras? Ng panahon? Will it ever be forgotten? I know I was not raped, but will it make any difference at all? They assaulted me. They harassed me! They wanted to kill me, at hanggang sa huli ay pinagbabantaan nila akong mahahanap at mahahanap nila ako, na hindi ako makakatakas sa mahabang panahon. What would I do with my life, then? Habang buhay magtatago at matatakot? Napakagat ako sa labi nang maramdaman ang mainit na likidong pumatak sa pisngi ko. I want to forget that night so bad... gusto kong kalimutan ang ginawa nila sa ‘kin. I hate that night. I hate the rain... I hate the moon and the stars! I hate the skies... Marahang bumukas ang pinto kaya mabilis kong pinawi ang mga luha ko. Nag-angat ako ng tingin at nakita si Seatiel na pumasok. Tahimik siya. Sa halip na lumapit sa pwesto ko ay nanatili siya sa pintuan at doon sumandal. Pinagkrus niya ang mga braso habang matamang nakatingin sa akin. “Ayos lang ba ang mga sugat mo? Gusto mong inuman na ng pain killer?” Umiling ako at binalik ang tingin sa lampara. I can’t stop myself from crying. Walang gabing lumipas na hindi ko iniiyakan ang nangyari. I even get bad dreams sometimes. Binabangungot ako sa nangyari at pakiramdam ko ay ayaw ko nang umalis sa lugar na ‘to. Pakiramdam ko kapag lumabas ako sa daan ay makikita nila ako. They won’t stop hunting me until I’m in their grasp again. They won’t stop... until I am completely destroyed. “Lauren...” tawag ni Seatiel. Ayaw kong makita niya ang pag-iyak ko. Kung sinabi sa kaniya ng doktora ang tungkol sa exam, siguro ay may ideya siya sa totoong nangyari sa akin, na hindi totoong nanakawan lang ako gaya ng sinabi ko sa kanila. “Sorry, ang lamig kasi. Nagluluha ang mga mata ko kapag malamig ang panahon...” palusot ko. Sandaling hindi sumagot si Seatiel kaya nilingon ko siya. Tears remained in my eyes. My lips are trembling. I want to stop my tears but it won’t! Like how those bastards didn’t stop when all I did was to beg them to let me go... “Can I come... closer to you?” halos pabulong na tanong niya. Mabagal ang kaniyang tanong at napapaos ang boses. Sinalubong ko ang mga mata niya. Hindi ako sumagot. Lumakad siya palapit at naupo sa tabi ko. Hindi ko magawang alisin ang mga mata sa kaniya... He helped me. Siya ang dahilan kung bakit humihinga pa ako hanggang ngayon, kung bakit buhay ako at hindi tuluyang napahamak. He... saved me. “Bakit mo ako iniligtas?” napapaos na tanong ko kasabay ng pagtulo ng aking luha. Tumingin sa akin si Seatiel. His deep eyes stared into mine. Marahang hinagod ng paningin niya ang kabuuan ng mukha ko bago iyon huminto sa gilid ng aking mga labi. His jaw clenched. I just know I have a bruise there. “Bakit sasakyan ko ang hinarang mo?” sa halip ay tanong niya na ikinayuko ko. “You saved your life. Stop giving the credits to other people.” “Salamat, Seatiel. Habangbuhay kong tatanawin na utang na loob ang ginawa mo. I couldn’t imagine...” Nabasag ang boses ko sa halo-halong pakiramdam. Pumatak ang luha ko. “I couldn’t imagine being caught by my kidnappers.” Kumuyom ang kaniyang palad sa sinabi ko. “They will rot in hell for doing this to you. They’ll pay for it,” mariing sabi niya na tila sigurado siyang mangyayari nga iyon. Ilang sandali pa ay tumayo na siya at tinungo ang pinto nang hindi ako nililingon. “Matulog ka na. I’ll be downstairs ‘til morning...” Nakatulog ako kahit papaano. Maaga akong nagising pero wala na sina Nay Issa at ang mga bata. Nasa simbahan daw sa bayan. Saka ko napag-alamang Linggo pala. Pagbaba ko sa sala ay saktong kalalabas lang ni Seatiel sa banyo. Hindi gaya kahapon na may suot siyang t-shirt, ngayon ay wala. Topless siya at lantad ang katawan, tanging pantalon ang suot habang abala siya sa pagpupunas sa kaniyang basang buhok. Tumutulo pa ang mga butil ng tubig sa kaniyang katawan. Pagkatapos ay isinukbit niya ang tuwalya sa balikat at kumuha ng tubig sa fridge bago lumagok dito. Nasa hagdan pa lang ay natigil na agad ako at napatingin sa kaniya. Nakatagilid siya mula sa direksyon ko kaya kitang-kita ko ang paggalaw ng adam’s apple niya. Wala akong masabi kundi... holy cow. Halos mahulog ang panga ko sa panonood sa kaniya! Mukhang napansin niya naman ako sa hagdan dahil lumingon siya at mabilis na nagtama ang paningin namin. Hindi ko agad nabawi ang tingin ko. “Lauren?” Tumikhim ako bago tuluyang bumaba sa hagdan. Nang makita niya ako nang maayos ay tiningnan niya ang kabuuan ko. May sumilay na ngiti sa mga labi niya nang makita ang aking ayos. “Mukhang mabilis ang paggaling ng mga sugat mo. That’s good.” Ngumiti lang ako at tumango. “Tungkol nga pala sa bayad para sa medical exams at sa check up ng doktora... u-uhm, pwede bang... makiutang muna?” tanong ko. Walang puwang ang hiya sa ngayon. Kailangan ko ‘yong lunukin! Mas nakakahiya naman kung magpapatay-malisya ako tungkol sa lahat ng mga nagastos nila sa ‘kin. Tumagal ang tingin niya sa ‘kin bago natawa. “Nah, I’ll take care of those. Huwag mong isipin ang babayaran.” “H-Hindi... nakakahiya naman. Ibabalik ko sa iyo agad. Pati iyong mga nagastos n’yo sa mga gamot at bills. Hmm, kokontakin ko lang ang kaibigan ko at matutulungan niya ako.” Ilang araw na rin ang lumilipas. Kailangan kong balitaan si Louisiana o baka mabaliw na ang isang iyon dahil hindi niya ako makontak. Seatiel just smiled. Gaya noong nakaraan ay tinulungan niya ulit ako sa pagligo pero hindi niya ako hinahawakan. May benda pa rin kasi ang kanang kamay ko hanggang ngayon kaya ang hirap buhatin ng tabo. Hindi naman ako left-handed. Saktong dumating sina Nay Issa nang tapos na akong maligo. Winawalisan ko ang sala nila kahit paulit-ulit ako dahil bumabalik ang mga kalat at alikabok. Nakailang ulit na ako at kinakalaban na ang mga winawalis. Hindi ko alam kung bakit sila bumabalik gayong hindi naman mahangin. Sinubukan kong walisin ang tapat ng sofa. Para akong naggo-golf! Paano ba ito? Tumayo ako nang tuwid at nagpunas ng pawis. Ito pa lang ang ginagawa ko, pinagpapawisan na ako! Pero bakit sina Hera, parang hindi naman napapagod? What’s wrong with this broom?! Or maybe I’m really just doing it wrong? Ang hirap pala nito! All this time nagpipinta lang ako habang nililinisan ng maids ang kwarto ko. Siguro dapat ay tulungan ko si Hera sa susunod o mas mabuting ako na lang ang magwalis sa kwarto ko para hindi niya na ‘yon intindihin. Speaking of, kumusta kaya sila? Are they worrying about me? Hindi naman ako gusto ng ibang maids sa mansyon. Maarte, spoiled, at walang ginagawang matino. Samantalang isang beses lang sa twenty-three years ko ginawang mag-over the bakod para sa isang party. Once, and Papa caught me... tapos rebelde na ako sa paningin nilang lahat. It’s not even a club party! It was my friend’s birthday! Kung hindi magpaalam, magagalit, at kung magpaalam, hindi naman papayag. Napatigil ako at napalingon sa mesa nang may humagikgik doon. Sina Bom at Cindy na pinapanood akong magwalis. “Sabi sa ‘yo, eh, hindi siya marunong...” bulong ni Bom kay Cindy. I bit my lip. “Ate Lauren, gusto mo pong turuan po kitang magwalis?” tanong ni Cindy sabay lapit sa ‘kin. Malawak ang ngiti niya at walang bahid ng panghuhusga. Kinuha niya ang walis at hinayaan ko naman siyang ituro sa akin kung paano ba ‘yon hawakan nang tama. Madali lang pala! Kailangan lang diinan ang hawak na siyempre hindi ko magawa sa ngayon at para akong lantang gulay, at pagkatapos ay ipapagpag nang kaunti para hindi bumalik ang alikabok o kalat. Sinubukan kong tumingin sa paligid. Baka naman may iba pa silang gamit. “May vacuum cleaner ba kayo, Cindy? Mas madali ang isang iyon.” “Bakyum? Ano po iyon, Ate Lauren?” inosente at nagtatakang tanong ni Cindy kaya kalaunan, napangiti na lang ako. “Ah, wala, Cindy... ayos na pala ito.” Pagkatapos magwalis ay hinila ako nina Cindy at Bom patungong bintana. Tumungtong sila sa upuan at sinilip ang labas ng bintana. Namilog ang mga mata ng dalawang bata nang makita ang mga nasa labas na bagong dating. “Wow, mukhang namitas sila ng mangga!” May mga bagong dating na may dalang mga basket. May mga babaeng nag-aasaran. Natanaw ko sina Seatiel at Marcus na binibiro ng mga babae. “Tara, humingi tayo!” sabi ni Bom pero umiling lang si Cindy. “Ayaw ko! Nandiyan si Margaret... kukurutin na naman niyan ang pisngi ko at ibi-baby ako para magpalakas kay Kuya Seatiel! Ikaw na lang, Bom. Bahala ka diyan, ganoon din ang gagawin niya sa ‘yo!” Dahil tuloy sa sinabi ni Cindy ay napatingin ulit ako sa labas. Natanaw ko ang isang babaeng maputi na tinutulak ng iba pang babae papunta kay Seatiel. They’re laughing. May sinabi ang babae kaya siya tiningnan ni Seatiel. Mukhang nakakatawa dahil ngumingiti siya. Hindi ko namalayang umalis na sa bintana sina Bom at Cindy na humatak sa ‘kin dito kaya nang lumingon si Seatiel sa direksyon namin ay ako lang ang nakita niya sa bintana. Nagtama ang paningin namin habang may sinasabi sa kaniya iyong babae at sa gulat ko ay agad akong napaiwas ng tingin at nagpanggap na tumitingin sa shelf na malapit sa bintana at nagtuloy sa pagwawalis kahit malinis na ang sahig. “Ate Lauren, tara na po!” pag-aaya ni Bom habang hawak-hawak ang kamay ko at hinihila ako palabas ng pintuan. “A-Ah, eh, ikaw na lang kaya, Bom?” alanganing sabi ko dahil gusto niyang sumama ako sa pagpunta sa mga ‘yon. Tinawag din kasi siya nina Marcus at isasama niya ako para daw hindi siya lapitan ni Margaret. I don’t even know kung sino roon ang Margaret! Wala naman akong kilala rito! “Sandali po, Ate Lauren!” tawag ni Cindy sabay abot sa ‘kin para isuot ang isang cardigan. “Halika na po, Ate Lauren,” atat na sabi ni Bom. Halos magpalipat-lipat sa kanilang dalawa ang tingin ko at nakakahilo dahil nasa magkabilang gilid ko pa sila! “S-Sandali!” Bom didn’t spare me. Tuluyan niya na akong hinila palabas ng bahay. “Kuya Seatiel, Kuya Marcus!” pagtatawag niya habang hila ako. Nagsasalita ako pero hindi niya ako hinahayaan! “Oh, hi, Bom!” bati agad ng isang babae nang makalapit kami sa kanila, iyong maputi. So, probably, that’s Margaret? Ngumiti lang si Bom at nilapitan ang isa sa mga basket. Namilog ang mga mata niya habang nakatingin sa mga hinog na mangga. Mayroong ilan na hindi hinog sa ibang basket. Nagkatinginan kami ni Seatiel. Alanganin akong ngumiti. Si Marcus naman ay malawak ang pagkakangiting sinalubong kami. “Uy, Lauren!” Nasa akin ang tingin ng tatlong babae, nagtataka at medyo gulat sa presensya ko. “Oh, may kamag-anak kang umuwi ng La Esperanza, Seatiel?” tanong ng isang babae habang nakatingin sa ‘kin samantalang hindi ko malaman kung paano ko sila babatiin man lang! “Anong kamag-anak? Alam mo namang wala nang kamag-anak itong si Seatiel, at kung meron man, hindi na aapak dito sa Esperanza,” natatawang sabi ni Marcus doon sa babae. Tumingin ako kay Seatiel. He scanned my whole body. Naka-dress naman ako at cardigan na ibinigay ni Cindy, so my wounds and bruises are not exposed. I can’t tell if he’s upset that I went outside or if he just doesn’t care. “Hi,” sabi ng maputing babae at nilahad ang kamay niya. Bumagsak ang tingin ko roon. “I’m Margaret! Anong pangalan mo?” dagdag niya habang malawak ang ngiti. Napangiti naman ako at tinanggap ang kamay niya. Kaliwang palad pa ang nilahad ko samantalang kanan ang kaniya, so she had to switch hands. Napatingin siya sa tela sa kanang kamay ko dahil do’n. “Hi, Margaret. I’m L-Lauren...” pakilala ko at saka bahagyang tinago ang kamay. “Nice to meet you, Lauren!” She then eyed Seatiel, pagkatapos ay tiningnan ang kabuuan ko. “Wow, ang ganda mo, ha! Kung hindi ka kamag-anak ni Seatiel, sinong kamag-anak mo rito? Si Bom?” Hindi sumagot si Bom pero nakabusangot ang mukha nito. I heard ampon si Bom at si Cindy ang tunay na anak ni Ate Aly. Sa bayan daw nila ito natagpuan noong batang-bata pa lang. Ngumiti lang ako. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Agad din namang nagsalita ang isa pang babaeng nagpapaypay ng sarili habang nasa tabi ni Margaret kaya wala na akong pagkakataong sumagot. “Naku naman, Margaret! Baka naman kasi totoo ang balita!” ngisi nito at nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Seatiel. Pagkatapos ay hinarap niya ito. “Totoo bang inuwi mo na rito ang asawa mo? Siya na ba ‘yon?” Halakhak lang ni Marcus ang kasunod niyon. Lahat sila ay na kay Seatiel ang tingin at pati na rin ako. My eyes widened. M-May asawa na siya? “Darling, gusto ko lang ipaalam sa ‘yo na tinakbuhan si Seatiel ng mapapangasawa niya...” tumatawang sabi ni Marcus. Tila ba nagliwanag ang mukha ni Margaret sa narinig. She quickly furrowed her brows at napahawak sa kaniyang bibig na tila nagugulat at nalulungkot sa narinig. “Oh, sorry to hear that, Seatiel! Bakit naman daw?” Hindi siya tinapunan ng tingin ni Seatiel at sa halip ay tumingin sa ‘kin. He furrowed his brows to Bom na nagkikibit-balikat lang habang pumipili at kumukuha ng mga mangga. “Maayos na ang pakiramdam mo?” tanong niya sa ‘kin na parang walang narinig sa mga kasama. I looked at the girls who were eyeing us, bago tumango lang sa tanong niya. “Seatiel?” ulit ni Margaret bago napanguso. He looked at them, tapos ay tumango lang kay Marcus. “Mamaya na lang. May gagawin pa ako.” Tiningnan niya ako bago siya lumampas patungo sa bahay, of course that was the cue for me to follow him! Sumunod na rin sa kaniya si Bom na hinawakan pa muna ang kamay ko. “Nice to meet you, Margaret... kayo rin...” pahabol na sabi ko bago tuluyang mahatak ni Bom. Siyempre ay ayaw ko namang magmukhang maldita at rude sa kanila. Mukhang sanay na sanay naman sila kay Seatiel. Ngumiti lang si Margaret at sinundan kami ng tingin papasok ng bahay. Tumawa si Marcus sabay akbay rito at nakangising kinausap ang babae. “Are you okay now? Hindi na ba masakit ang mga sugat mo?” tanong ni Seatiel. “Kuya Seatiel, humingi po kami ng mangga, ha!” paalam nina Cindy at Bom at nagtungo sa kusina para hugasan ang mga manggang kinuha. Pinagsasabihan sila ni Seatiel. He told me to sit. ‘Yong totoo, lumpo ba ako sa paningin ng lalaking ‘to? “Sit down, Lauren. Titingnan ko ang paa mo,” utos niya. Hinayaan ko na lang siya at sumunod sa bawat sabihin niya. He commanded me to lift my foot so he could check it properly. Inalis niya ang benda sa paa ko matapos iyong ipatong sa hita niya. Nakayuko siya sa tapat ko kaya inayos ko ang suot. Hindi ko pa nakakalimutan ang kahiya-hiyang nangyari doon sa bintana! “Okay na ang paa ko. Mukhang pwede ko nang tanggalin ang benda. I can now walk better kaysa noong nakaraan,” sabi ko habang tinitingnan ang paa ko. The swelling subsided now. Hindi naman talaga malala. Siguro nabigla lang sa mahabang pagtakbo. Mabuti na nga lang talaga at walang fracture sa buto dahil mas malaki ang gagastusin at mas matagal hilumin. “You want to take it off?” tanong niya. Tumango ako at sinulyapan ang mukha niya. He’s seriously concerned with my foot. “Naglinis ka?” tanong niya matapos ang ilang sandali. Mukhang nahagip ng paningin niya ang feather duster na nasa ibabaw ng mesa. Nag-alis kasi ako ng alikabok doon sa shelves. Tinulungan naman ako nina Bom at Cindy kanina kaya hindi masiyadong mahirap, at saka pag-aalis lang naman ‘yon ng alikabok. Nakangiti akong tumango. “It’s not that much. Wala kasi akong magawa...” Bumuntonghininga siya sabay angat ng tingin sa akin. “You don’t need to. Magpahinga ka lang. Just call me when you need something. Huwag mong intindihin ang gawaing bahay. Ako na ang gagawa kung ayaw mong makakita ng kalat.” Hihilata lang ako ritong parang prinsesa? “Hindi sa gano’n. Hindi naman makalat. I’m fine with anything. It’s just that... madali lang namang magwalis at mag-alis ng alikabok, at gusto ko lang may magawa.” “Still...” He just heaved a sigh, hindi na dinugtungan pa ang sinabi. Hindi pa naman ako sobrang lumpo para manatili sa isang tabi. Hindi na siya nagsalita pa at bumalik sa pagtingin sa paa ko. He slightly pressed his thumb against my ankle pero mabilis pa rin ang paggapang ng sakit niyon dahil kawawala pa lang ng pamamaga. Napakislot ako sa sakit mula sa ginawa niya. A pained moan escaped my mouth. Niyuko ko ang paa dahil sa sakit ng pagpisil niya rito. Hindi pa siya nakuntento at inulit pa! Nahawakan ko tuloy ang kamay niya sabay urong paatras sa paa ko. Dahil sa biglang pag-iwas ay halos bumangga pa ang paa ko sa ilalim ng upuan dahilan para lalo akong napadaing sa sakit. What the hell was that for? “T-That freaking hurts! Bakit mo naman pinisil?” He looked concerned, and amused at the same time! “Sorry...” aniya at muling pinatong ang paa ko sa kaniyang hita. May pinakuha siya kina Bom na kung ano. Tinitingnan niya ang paa ko at natatakot akong pisilin niya ulit kaya medyo naglikot ako sa kinauupuan. “Huwag kang malikot,” utos niya dahil panay ako bawi sa paa. Natatakot akong masipa siya kaya mas mabuti pang alisin na lang ‘yon. “And will you please close your legs, woman? Damn it,” dagdag niya at inisang tingin ang hita ko. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya sabay hawi sa dress para ayusin. Nasa ganoong lagay kami nang biglang may kumatok sa pinto. Mukhang sina Nay Issa na. Hindi pa rin kasi sila bumabalik mula sa kabilang bahay. Kanina pa sila roon mula nang dumating sila galing sa bayan dahil nagluluto sila. Sabi ni Cindy ay birthday ni Margaret. Mukhang malapit talaga silang magkakapitbahay. Siguro matagal na talaga silang magkakasama rito. Si Ate Aly ang pumasok, nagpupunas siya ng mga kamay. “Seatiel, hijo, nakalimutan namin ang ibang rekados, pati cheese at saka baka kulangin ang manok! Iyon na ang sunod naming lulutuin mamaya. Pwede ka bang magpunta sa bayan? At saka daanan mo na rin si Mang Roel.” Tumango lang si Seatiel nang hindi nagrereklamo. Napatingin naman sa akin si Ate Aly. “Ayos na ba ang paa mo, Lauren?” Tumango ako at saka tumayo na. Medyo okay na talaga ito. Hindi na rin gaanong namumula at binendahan naman na. “Baka abutan ka ng hapon. Mukhang uulan pa naman mamaya,” paalala ni Ate Aly. “Ikaw, Lauren? Dito ka lang ba? Gusto mong sumama?” “Po?” tanong ko agad. Na-excite ako bigla. Sasama ako papunta sa bayan? Ngumiti si Ate Aly. “Oo. Magiging mabuting magkaibigan kayo ni Margaret! Marunong ka bang magluto?” Medyo naglaho ang tuwa ko sa dinugtong ni Ate Aly dahil wala rin akong kaalam-alam sa pagluluto... Nakakatakot makisalamuha dahil baka magtanong sila nang magtanong at hindi ko mapagtagpi-tagpi lahat ng kasinungalingang nasabi ko sa pamilyang ‘to. “Lauren,” tawag bigla ni Seatiel kaya napalingon ako sa kaniya pati si Ate Aly. Nagpapalit na siya ng t-shirt. Pinilit kong huwag bumaba ang tingin ko sa katawan niya. “Gusto mong sumama? Sa bayan...” Hindi agad ako nakasagot at naiwan ang tingin sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit biglang gusto kong lumabas ngayon. Lagpas isang linggo na rin ako rito sa loob ng bahay nila. “Eh...” takang sabi ni Ate Aly. “Kaya mo na bang maglakad, Lauren?” Tumango lang ako. “Ayos na po ang paa ko.” “Oh, siya, magdala kayo ng payong, ha! Aabutan kayo ng hapon at baka talagang umulan! ‘Ku, Seatiel, may sakit pa naman ‘yan si Lauren!” Pagdating sa bayan, kailangan kong gamitin ang pagkakataong ‘yon para makatawag kay Louisiana. Kung paano ako pupuslit mula sa paningin ni Seatiel, mamaya ko na iisipin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD