Kabanata 10

2036 Words
Relentlessly I Nilakad namin ang daan mula sa bahay na bato. Iniwan namin doon ang kabayo na pinangalanan ko sa isip. I named the stallion Cruise. Mabilis lang naming narating ang sementadong daan kung saan sa gilid ng isang puno ay naroon ang sasakyan ni Seatiel. Napaawang ang labi ko nang makita ang Jeep Wrangler na may apat na malalaking gulong. Just like what I thought of him. “Wow!” Hindi ko mapigilang mamangha at haplusin ang harapan ng sasakyan. “Bago lang ba ito? Makintab pa...” Maliit na ngumiti si Seatiel at saka binuksan ang pinto ng sasakyan. Tinukod niya ang siko rito habang pinapanood akong namamangha sa kotse. Paano siya nakabili nito? Siguro nga sobrang laki ng kita sa farm. May iba pa siguro silang rancho. “Sakay na. Baka maabutan tayo ng ulan.” Tiningala niya ang langit kaya malinaw kong nasulyapan ang adam’s apple niya. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano ko natatagalang kasama si Seatiel. His presence is too intimidating. “O-Okay...” Sumunod ako at akmang sasakay sa backseat nang magsalita siya. “Bakit diyan? Ayaw mo rito?” “W-What?” alanganing tanong ko sabay tingin sa pinto ng passenger seat. Binalik ko ang mga mata kay Seatiel at sa huli ay iyon ang sinunod. Nilipat ko ang kamay na nakahawak sa pinto ng backseat patungong passenger seat. Doon ako naupo. Medyo natawa siya sa reaksyon ko. Tinapik niya ang ibabaw ng kotse bago naupo na rin sa driver’s seat. Tahimik lang ako sa kinauupuan habang pinapaandar niya ang sasakyan. Lumingon ako sa labas. Diretso at isang linya ang sementadong kalsada. Tahimik lang ito at walang masiyadong dumaraang sasakyan. Sa magkabilang gilid ay ang malawak na field ang matatanaw, berdeng damuhan, at mga puno. “Lauren... your seatbelt,” banggit niya. Lumingon ako at tahimik na sinuot ang seatbelt. Medyo napadaing pa ako nang may matamaan itong sugat sa bandang dibdib ko. I bit my lip so hard to suppress the moan. “Ayos ka lang?” tanong agad ni Seatiel. Tumango ako sabay sandal nang mariin sa upuan. Pati ang dibdib ko ay hindi nakatakas sa sugat. Siguro dahil ‘yon sa paulit-ulit kong pagkakadapa at sa paggapang sa putikan at batuhan para lang makawala sa pagkakagapos ng lalaking ‘yon. Panay ang sulyap ni Seatiel sa byahe patungong bayan. Kahit kaunting galaw ko, tumitingin siya. Siguro ay sobrang lala ng sitwasyon ko noong nakita niya ako nang gabing ‘yon kaya ganito siya mag-alala. Kahit ako. Kung may makilala man ako na kaparehas ng naranasang kamalasan, ganitong pagmamalasakit din ang gagawin ko. Narating namin agad ang bayan. Sa wet market kami dumiretso para sa pinapabiling manok ni Ate Aly. Inisang tingin lang ni Seatiel ang nasa papel at saka tinapon sa basurahang nasa gilid. Nagulat pa ako sa ginawa niya. “Hindi mo ba ‘yon makakalimutan?” alalang tanong ko. He just smirked, bago nagtuloy sa pagpili sa mga meat. “Limang kilo, Miss,” sabi niya sa babaeng tindera. Kitang-kita ko kung paano ngumiti ang babaeng siguro ay kasing-edad niya lang. Iniwas ko ang mga mata at pinasadahan ng tingin ang mga paninda sa paligid, may iba’t ibang karne at seafoods. Sa isang banda ay may nakabaldeng mga sira na yatang isda o lamang-loob nito. Napalayo agad ako sa mga mata. This is my first time going to a wet market. Ni hindi ko kailangang pumunta sa kusina para gumawa ng pagkain. Hindi iyon pinapagawa sa akin. Siguro dahil hindi lang ako sanay. First time ko pa lang naman dito. Hindi ako nagsalita at nagmamasid lang sa paligid. Pinanood ko kung paano alisan ng kaliskis ang isda at kung paano hati-hatiin ang manok at ilagay sa kilohan. Buong sandali yata ay tinitiis ko ang amoy ng basang palengke. Habang kinikilo ng babaeng tindera ang manok ay nagbuhos ng tubig ang nasa tabi nitong nagtitinda. Ganoon na lang ang gulat ko nang mabasa ako sa ginawa nitong pagbuhos. Hindi ko alam kung ang counter ba ang binubuhusan niya o ako! Nabasa ang laylayan ng dress na suot ko at mabilis na kumalat ang amoy ng isda. Napasinghap ako sabay tingin sa ngayon ay basa nang damit. Maraming napatingin sa gawi namin kaya nakaramdam ako ng labis na hiya! “Ang arte!” sambit ng aleng nagbuhos ng tubig. Parang nag-init ang mukha at leeg ko sa sinabi nito habang nakatingin sa akin. Pati ibang mga nagtitinda at bumibili ay napatingin. “Dahan-dahan naman, Miss,” dinig kong sabi ni Seatiel habang may iritasyong nakatingin sa babae. Agad niya akong nilapitan. “Binasa n’yo ang kasama ko,” tila nagtitimping dagdag niya. “A-Ayos lang. Hayaan mo na...” sabi ko at tumingin sa ale. “Sorry po. Nakaharang—” “Pakiayos ho ang pagbuhos sa susunod. Isda lang ang bubuhusan n’yo, hindi kasama ang bumibili,” malamig na aniya at saka hinila na ako paalis do’n. Napapahiyang tumahimik ang babaeng pinagsabihan ng tinderang katapat nito. “Ay, naku! Malas ka yata ngayon, mare! Kasama pala ni Seatiel iyong babae!” Hindi ko na narinig ang iba dahil hinatak na ako ni Seatiel paalis. Ni hindi niya na yata nakuha ang dapat na bibilhin namin! “Sandali nga, Seatiel!” tawag ko pero ayaw niyang bitawan ang kamay ko. “P-Paano ‘yong bibilhin natin? Saglit at babalikan ko! Kailangan ‘yon ni Ate Aly!” “Forget about it, Lauren. Ako na ang bahala,” iritang sabi niya habang tuloy sa paglalakad. Pati ang iba ay napapatingin dahil hawak niya ang kamay ko at dinadala ako paalis! “S-Sandali! Bitawan mo nga ang kamay ko,” saad ko pero hindi niya pa rin binitawan. Para akong napapaso sa palad niyang hawak ako. Hindi ko matagalan! “N-Nasasaktan ako, Seatiel...” saad ko para tuluyan niyang kalasin ang pagkakahawak. Tumigil siya. Sa wakas ay nilingon niya rin ako at ang kamay niyang nakahawak sa pulsuhan ko. Lumamlam ang mga mata niya at binitawan ako. Saktong nakalabas kami sa wet market. Nasa tabi na kami ng daan kung saan medyo tuyo na at puro prutas o mga kagamitang nakahilera ang tinda. “Sorry,” kalmado niyang sinabi pero iritado pa rin. “It’s not a big deal. Pwede naman akong mag-sorry, sana hindi natin naiwan ang binili,” saad ko. “Sinadya ka niyang buhusan,” salubong ang kilay na saad niya. Tiningnan niya ang bestida kong basa mula hita hanggang laylayan. May mga kaliskis pa yatang kumapit sa suot ko! “H-Hayaan mo na. Damit lang naman...” saad ko at napaiwas ng tingin. “Kung sanay kang humingi ng tawad sa mga kasalanang hindi mo ginawa, hindi mo na dapat iyon ginagawa ngayon.” Seryoso ang pagkakasabi niya niyon dahilan para maibalik ko ang tingin sa kaniya. Seatiel just sighed and he looked really pissed. “Okay lang talaga—” “Hindi okay ‘yon, Lauren... don’t tolerate them,” saad niya na tuluyang ikinatutop ng aking bibig. Wala na rin akong masabi. Humalukipkip ako at iniwas ang mga mata. Malalim siyang huminga at saka may kinuha mula sa kaniyang bulsa. May iritasyon pa rin sa kaniya. Salubong ang mga kilay nang hinagod ang buhok palikod at saka nilagay sa may tenga ang cellphone. Napakurap pa ako nang makitang latest model ng sikat at mamahaling brand ang kaniyang gamit. “Kailangan ko na ngayon. Yes, now. Ngayon mismo,” sabi niya sa kausap. Binanggit niya ang mga pinapabili ni Ate Aly na hindi ko alam kung paano niya natandaan. Nang natapos ang tawag ay hindi ko naiwasang magtanong. “Hindi na tayo babalik?” Tiningnan niya ako. “Babalik pa ba tayo kung naliligo ka na sa maruming tubig...” Mukhang naiinis na naman siya kapag inaalala. Inamoy-amoy ko naman ang sarili, and oh yes, I do smell like rotten fish now! “Kung ganoon, saan tayo pupunta? Paano ang mga bibilhin?” tanong ko. Hanggang makarating kami sa isang kalye kung saan mas tahimik ay hindi niya man lang ako sinagot! Tinulak niya ang isang salaming pinto ng isang tindahan. Nang ilibot ko ang paningin ay nasa isang clothing boutique na kami! “O, Seatiel!” salubong ng isang matandang babae na nahalata agad ang ekspresyon ni Seatiel kaya naman ngumiti na lamang ito sa akin at napansin agad ang itsura ko. Nahiya ako nang kaunti at inisip din ang amoy ko ngayon. Nagkatotoo pa yata ang sinabi ni Bom na naging palaboy ako. Ganoon ang itsura ko ngayon! “Pakibigyan ho ng bagong damit. At saka limang extra,” sabi ni Seatiel. Masama ang tingin niya sa damit kong basa ngunit kalaunan ay natigilan. Tiningnan ko ang sarili at napagtantong manipis pala ang dress kaya hapit na ngayon sa mga hita ko. Bawat hakbang ko nga ay umiipit at dumidikit! “Aba’y walang problema. Ako ang bahala!” sabi ng ale. “Ikaw, hijo? Hindi ka ba magpapalit at mukhang nabasa ka rin.” Napatingin ako kay Seatiel at napagtantong natalsikan din pala siya. Mukhang kailangan niya ring magpalit. “Okay lang naman kahit isang damit na lang,” sabi ko. “Para makabili ka rin ng sa ‘yo?” Nakakahiya dahil wala talaga akong pera tapos bibilhin niya ako ng damit at limang extra! Sobra na iyon at mukhang kailangan niya ring bumili ng pamalit niya! “Ayos lang. Lima pa rin. Hahanap lang ako ng akin,” sabi ni Seatiel at tiningnan ang section para sa mga lalaki. Maliit lang ang boutique pero sakto lang naman ang mga laman. Ngumiting muli sa akin ang ale pagtapos ay isasama na ako patungo sa sukatan. Napatingin pa ako kay Seatiel na naghubad na agad, wala nang balak na pumunta pa sa fitting room. Halos napaangat ang sulok ng aking labi. Huh? Ang tibay niya naman... Nilingon ko ang paligid at nakitang wala namang ibang staff. Pero kung may biglang pumasok na customer, mai-intimidate niya at baka umalis pa! Kasi may lalaking nakahubad sa boutique? “Halika, sakto at may mga bagong dating kanina. Siguradong bagay sa ‘yo, hija!” sabi ng ale na pinapasunod na ako. Napatingin pa ako kay Seatiel. Bahagyang nakatagilid siya sa aming gawi habang pumipili ng damit at nakalantad ang pang-itaas na katawan. Litaw rin ang kaniyang kwintas. The chain around his neck glints, highlighting his tall, rugged frame. His muscles are all in the right places. Not lacking, not too much... Mukhang wala namang pakialam si Manang. Sumunod na rin ako sa kaniya at hindi naabutan ang pagbalik ng tingin ni Seatiel sa aming direksyon. “Pumili ka ng mga magugustuhan mo, hija,” sabi ng ale sabay presenta sa mga damit. “Kahit isa na lang po.” “Ang sabi ni Seatiel ay pumili ka raw ng mga pamalit. Marami naman ito, hija, marami kang pagpipilian!” May ganito pala sa bayan ng La Esperanza. Maraming bilihan dito at mukhang kahit papaano ay kumpleto rin naman. “Pag-aari n’yo po ito?” tanong ko habang nangiti. Natawa naman ito habang sinukatan ako pagtapos bigyan ng mas maraming damit na pagpipilian. Para saan kaya iyon? Hindi naman ako magpapagawa ng damit... utos din ba ni Seatiel? Mukhang kakilala niya! Nakilala rin siya roon sa palengke. “Naku, kung pagmamay-ari ko talaga ito ay sana nakaahon-ahon na sa hirap! Taga-bantay at taga-pangalaga lang ako nitong boutique, hija,” nangingiti nitong paliwanag at pinataas ang mga kamay ko para masukat ang bewang ko. “Ang ganda ng balakang mo, hija... hindi ka mahihirapang manganak niyan! Makakarami ka,” sabi nito na halos ikaubo ko. Nag-init ang aking mukha! “Bagay na bagay kayo ni Seatiel... Maganda ka. Mukha ring anak-mayaman ka kaya siguro iritado si Seatiel ngayon dahil narumihan ka...” Nangingiti pa ito habang sinasabi ang mga iyon. Dibdib ko naman ang kaniyang sinukatan. “Sana nga ikaw na ang makakapagpatuloy sa lahing Del Fuego,” dagdag pa nito at lalong napangiti. “Galingan mo, hija, ha? Bigyan mo ng maraming Del Fuego ang La Esperanza...” “Po?” Pulang-pula ang mukha ko at ganoon na lang ang kakaibang pakiramdam na naglalaro sa tiyan ko sa mga sinabi ng ale. S-Sino bang Del Fuego at anong ipagpatuloy ang lahi?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD