Relentlessly I Bumilang ang mga araw pagtapos ng nangyari, pero hindi pa rin kami nag-uusap ni Seatiel. At first, he tried to talk to me but I refused. Sa halip na magsalita, pinipili ko na lang na umiwas sa kaniya, hanggang sa pati siya ay walang magawa. Gulong-gulo pa rin ang isip ko kahit na ilang araw na ang lumilipas. Hindi ko pa rin lubos na maisip. Hindi pa rin ako handang pakinggan si Seatiel. Pakiramdam ko nga ay tinatakasan ko na lang ito at ayaw ko nang isipin pa. I can’t accept it... I feel deceived. Isa itong malaking dagok sa pagkatao ko. Matatanggap ko pa kung sasabihin nilang ampon ako. Walang masama roon. Pero iba ang usaping ito... hindi lang ako bastang ampon. Hindi pala ako tunay na anak nina Mommy Ruella at Papa Frank. Kaya pala ganoon na lang sila sa ‘kin..

