Kabanata 20

3664 Words
Relentlessly I Warning: SPG “Anong oras ka nakarating?” tanong kong sumuko na rin dahil alam kong hindi ako pabababain ni Seatiel kahit anong paglilikot pa ang gawin ko. Baka masipa ko pa ang nananahimik na kabayo! Marahan ang pagpapatakbo niya kay Cruise. Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil hindi pamilyar sa akin ang field na tinatahak namin ngayon. Malakas ang hangin at sinasabog ang mahaba kong buhok kaya naman napilitan akong hawiin iyon at ipunin sa isang balikat ko. It exposed my left shoulder. Mas naramdaman ko roon ang lamig. Unti-unti ay naging komportable ako sa ibabaw ng stallion. Hindi gaya noong hinatid ako ni Creed na ako ang nasa likod, ngayon ay ako ang nasa unahan. Dahil doon ay tanaw na tanaw ko ang malawak na field. Makapal na ang hamog sa malayong dulo pero ang gandang tingnan. Madilim na asul na ang langit at mayamaya lang ay tuluyan nang magiging itim. “Kauuwi ko lang. Pinuntahan kita sa kwarto. Wala ka.” Tila nakasimangot siya nang sinabi ‘yon. Hinigpitan niya ang pagkakakulong ko sa kaniyang mga bisig. “Hindi ka nagpakita kina Ate Aly?” tanong kong bahagya siyang nilingon. Kaunting galaw ko lang ay nagtataas-baba ang kaniyang dibdib sa higpit ng paghinga. “Hindi pa.” “K-Kung ganoon... walang may alam na umuwi ka na?” “Meron. Ikaw,” sagot niya. “Ayos lang?” tanong niyang tinutukoy ang pwesto ko na sa hinaba-haba ng pagkakasakay namin dito ay ngayon niya lang naisip. Alam niya kasing hindi na ako makakapalag dahil ang layo na namin. Tumango ako at mas dinama ang hangin. Bumagal ang takbo ng kabayo nang marating namin ang bandang dulo ng mga damuhan. Natanaw ko ang dagat mula sa malayo, ang buhanginan at mga batuhan. Tahimik ang buong paligid. Bukod sa hindi matao ang probinsiyang ‘to ay wala na ring gumagala pagsapit ng dilim. Napangiti ako. Parang ngayon lang nag-sink sa akin na narito si Seatiel at umuwi na. Alam kong babalik siya pero hindi ko inaasahan na ganito niya ako bubungaran. May oras siya kaninang magpakita sa iba at sabihan sina Ate Aly na narito na siya ulit sa La Esperanza pero hinintay niya ako, at ngayon, walang nakakaalam na narito siya. “S-Saan ka galing?” tanong kong hindi ko napigilan. “Sa Maynila,” tanging sagot niya at pabulong. Naramdaman ko ang pagpatong ng mga labi niya sa balikat ko. Nanatili kami sa ibabaw ng stallion habang binabaybay ang dulo ng gubat at mga puno. Sa gilid sa bandang ibaba ay buhanginan na kung saan sa kabilang side nito ay humahampas ang mararahas na alon ng dagat. “Sabi nina Margaret... hinanap mo raw ‘yong babaeng pakakasalan mo?” tanong ko at nilingon siya. Nagtama ang paningin naming dalawa nang mag-angat siya mula sa pagkakadampi ng mga labi sa balikat ko. Hindi ko alam kung sadya siyang napatingin sa labi ko, pero binalik niya rin ‘yon sa mga mata ko at amused na ngumisi. “Sino?” pag-uulit niya kahit alam kong narinig niya naman ‘yon. Nevermind! Kung gusto niya namang sabihin ay sasabihin niya, hindi ba? Kung tutuusin ay hindi ko na dapat ‘yon tanungin. Wala naman akong karapatan. “Tungkol sa business ang pinunta ko roon, Lauren. Hindi babae. At ilang personal na bagay.” “N-Nasaan na ba iyon? Hindi mo pa nahahanap?” tanong ko, tinutukoy ang babaeng tinalikuran siya. Bakit niya kasi hahanapin kung tinakbuhan na nga siya? Ibig sabihin ay ayaw sa kaniya. Kaya bakit niya pa pipilitin? Parang kaso ko lang ito, tinakbuhan ko ang kung sinong hukluban na ipagkakasundong ipakasal sa akin nina Papa. Hindi na ako interesadong makilala ang lalaking ‘yon, at sa totoo lang ay kinasusuklaman ko siya. If he didn’t agree to that cursed arranged marriage, hindi sana ako aalis. Hindi sana mangyayari sa ‘kin iyon. Siguro... nasa Maynila pa ako ngayon. Kaya ko namang magawan ng paraan ang nagawa ko kay Lucas. Sa pagpayag niya pa lang sa kasal, katulad na rin siya nina Papa. At sabi ni Louisiana ay nagalit ang mga magulang nito na umalis ako. Ibig sabihin ay pare-pareho lang sila. They don’t care about me, they don’t care about my feelings, at kung payag ba ako sa kasal, basta makuha na nila ang gusto nila. And really? Tumatanggap ang lalaking iyon ng babae bilang pambayad-utang? I’ll forever hate the man behind that screwed arranged marriage! “Anong iniisip mo?” marahang tanong niya at naging seryoso. “Hindi ko hinanap ang babaeng ‘yon, Lauren. Wala akong hinahanap.” Matagal akong napatitig sa dagat habang sinasabi niya ang mga ‘yon. Sa sobrang payapa nito ay nakakatakot... sobrang tahimik ng paligid, para bang kapag nalunod ka roon ngayon ay walang makakasagip sa ‘yo. The sea is dangerous. It shouldn’t be explored unguided. Hindi ka dapat sumusuong sa karagatan na hindi mo alam ang tinatahak mo, pero minsan... aksidente tayong tinatangay ng mga alon palayo gustuhin man natin o hindi. “Wala kang... babae?” tanong kong napapalunok. Maybe he has a girlfriend in Manila? Ex na mahal niya pa? Fling? F-f**k buddy? I know men. Kahit ang Papa Frank ay maraming babae liban kay Mommy. Imposible. May mga lalaki bang nakukuntento sa isang babae? Kahit si Lucas, niloko ako. Hindi lang napagbigyan agad sa gusto niyang mangyari ay naghanap agad ng iba. “Wala...” medyo natatawang sagot ni Seatiel, as if it was ridiculous for him. Tumaas ang kilay ko kahit hindi ko siya nililingon. Saka ko lang namalayan na pahinto na kami sa gilid ng isang puno. Hinawakan niya ang kabayo para patigilin. Namumula pa rin ang mukha ko sa tuwing nararamdaman ko ang kaniya sa likod ko, but I refused to entertain the thought of it. “Bakit kasama mo si Creed?” tanong niyang mukhang kanina pa gustong sabihin ‘yon. Malalim siyang napahinga. “Inimbitahan niya ako kaninang tanghalian sa... s-sa...” Napahinto ako sa sinasabi nang halikan niyang muli ang balikat ko. “Sa?” tanong niyang pinagapang ang isang kamay na nasa gilid ko patungo sa tiyan ko. He circled his finger on my flat stomach. “Saan, Lauren?” “Sa m-mansion nila... nandoon si Mayor,” mabilis na dagdag ko bago pa maputol ang mga salita. “Anong ginagawa mo roon?” tanong niyang nagsalubong ang mga kilay. Sa halip na sagutin ang kaniyang sinabi ay sa kaniya na natuon ang atensyon ko. “Hmm, sorry. Can’t stand it when you’re this near.” Napapikit ako sa init ng bulong niya sa likod ng ulo ko. Ramdam kong pumikit siya at animo’y inaantok, as if he is tired and wants to rest. For more than two weeks, ang tanging nasa isip ko ay ang mga ginawa namin. Walang natirang espasyo para mag-isip sa ibang bagay! Not even the nightmares that won’t let me sleep at night. For two weeks, Seatiel has consumed my mind completely. Pakiramdam ko may natikman akong nakakaadik at hindi ko matitigilan. “Hindi mo sinagot ang tanong, Lauren,” aniya habang nilalaro ng kamay niya ang tiyan at bewang ko. Naitikom ko ang bibig. Pakiramdam ko kapag ibinuka ko ‘yon ay may tatakas na daing sa ‘kin. This is embarassing... w-why am I suddenly thirsty?! “Ang sabi ko nagtanghalian kami...” Pilit kong kinunot ang noo ko sa kaniya. Natahimik siya at kinagat ang labi. Sa huli ay may pilit na sumisilay na ngisi roon. Binitawan niya ako at sa isang iglap ay nawala ang pakiramdam ng labi niya sa balikat at leeg ko. Napasunod ang tingin ko sa kaniya nang makababa na siya sa ibabaw ng stallion. “Tss, tanghalian...” He pursed his lips. Kumunot din ang kaniyang noo. Umangat ang kilay ko, naghahamon dahil totoo naman ang sinabi ko! Inabot niya ang kamay. Matangkad siya at halos hindi ko na kailangan pang magbaba ng tingin. Napatingin ako sa kamay ni Seatiel habang nilahad niya sa ‘kin. “Tara na dito, bago pa ako magpaluto ng hapunan.” Namula ang mukha ko sa kaniyang sinabi, as if he was trying to compete! Ang tingin niya sa akin ay mataman at parang hindi nakikipagbiruan. Ayaw kong tanggapin ang kamay niya kaya sinubukan kong bumaba mag-isa ngunit dahil mataas ang kabayo ay ako rin ang nahirapan! Halos lumambitin ako dahil hindi maabot ng isang paa ko ang lupa at kahit pa ituwid ko. Nilingon ko iyon para matingnan ang lupa pero nasamid agad ako noong naramdaman ang isang tapik sa aking puwetan! Umawang labi ko. I was scandalized by what he did, so I looked at him, but then I caught his eyes on my butt! “Did you just spank my butt?!” “Tss, kulit,” asik niya at tuluyan na lang akong kinuha. He smirked a bit. Naputol ang pagsasalita ko nang tuluyan niya akong ibinaba nang walang kahirap-hirap lalo pa’t matangkad siya! Napatingin ako kay Seatiel. Nagtama ang paningin namin at pigil ang ngisi niya habang painosente ang mga mata na parang hindi niya pinalo ang pang-upo ko! My face is heating so badly. “Pinalo mo ang pang-upo ko,” saad ko noong sinamaan siya ng tingin. Tinali ni Seatiel ang kabayo sa puno at napalingon sa akin. “I know. The hand that I used is with me,” nanunuya niyang sinabi. Nasunog ang mukha ko. “Is that what you do to your girlfriends? You hit their butts when they misbehave?” Hindi ka dapat marupok, Isla. Nakalimutan mo na ba? Umalis iyan nang tatlong linggo at wala man lang balita! Nilibot ko ang tingin sa paligid habang humalukipkip. Natigilan nang kaunti si Seatiel mula sa ginagawang pagtatali ng kabayo roon sa puno. “Wala akong girlfriend. Kung may girlfriend ako, ‘di sana’y hindi natin ‘yon gagawin...” Nag-angat siya ng kilay at tumuon ang titig sa akin. Parang nagbalik sa utak ko ang sinasabi niyang ginawa namin. Napalabi si Seatiel at nailing nang kaunti habang hindi nilayo ang tingin sa akin. Napalunok ako at hindi makasagot. Napasunod lang ang tingin ko sa kaniya nang natapos siya sa pagtatali sa kabayo at lumapit sa akin. He towered over me and I couldn’t help but look up cause he wasn’t trying to break the eye contact. My breathing immediately labored when Seatiel reached for my waist. Bumagsak ang tingin ko ngunit pinilit na iangat ulit. “What else should I do to prove you that I’m single, Lauren? Wala akong girlfriend. Wala pa akong asawa, wala lahat...” Napaawang ang labi ko kasabay ng mabigat na paghinga. Ang tingin niya ay masiyadong nakakaliyo at parang gusto ko na lamang matunaw sa ilalim ng kaniyang presensya! Kung ganoon, ano si Tamsiah? A-Ano ‘yong ibang babaeng sinasabi nila Marcus doon sa barko bago siya bumaba?! “Okay...” “Nagseselos ka?” walang ano-ano niyang tanong na nagpainit nang husto sa aking mukha. Anong... “What?” “May pinagseselosan ka?” Nakuha niya pa talagang linawin! Umiling agad ako, ngunit tuloy lang ang panliliit ng mga mata ni Seatiel. The way he stares is commanding, with a sense of submission because he’s so interested in what I’m about to say. “Ako? Hindi mo tatanungin?” he asked darkly. “H-Huh? N-Nagseselos ka?” Hindi siya ngumisi tulad ng inasahan ko. Wala ring bakas ng biro sa seryoso niyang ekspresyon. Napababa ang tingin ko sa aming kamay nang kinuha niya ang akin. Nang binalik ko ang mga mata kay Seatiel, agad kumalabog ang dibdib ko nang nakatingin siya sa labi ko. My lips parted, and before I could even utter a word, siniil niya na ng halik ang mga labi ko. Para akong natuod at mabilis na napapikit sa hagod ng kaniyang mga labi. Oh... he’s kissing me! Napakapit ako sa kaniya nang inangat niya ang kamay ko sa kaniyang batok. Iyon pala ang sadya! “S-Seatiel...” Nanginig ang boses ko sa pagkabigla. Bumilis ang kabog ng dibdib ko at hindi mapakali. Naiwan ang aking tingin sa kaniyang mga labi nang sandaling naghiwalay ang mga labi naming dalawa. “Gusto kitang halikan.” H-Hinalikan mo na ako... gusto kong ipaalala sa kaniya. Seatiel’s lips were wet and glistening. Sobrang pula na animo’y pinisil-pisil. Nalalasing ang kaniyang tingin at namumungay rin habang nagtama ang paningin namin. Kalaunan, binalik niya rin iyon sa mga labi ko! Hindi pa ako nakakabawi ng hangin ay mabilis niya na akong hinalikan muli at sinakop ang mga labi ko. Napapikit ako at parang lasing na tumugon sa halik niya. Naging mabilis at marahas ang bawat galaw namin. His tongue made its way inside my mouth. Hindi ganito ang halik niya nang gabing ‘yon. He’s gentle and soft that night, pero ngayon ay para bang biglang uhaw na uhaw kami sa isa’t isa! Bumaba ang mga halik niya patungo sa panga ko, sa leeg, at sa dibdib. Mariin niyang hinapit ang bewang ko palapit sa katawan niya. “Tangina, you’re so breathtakingly... stunning.” There was a rasp in his whisper, raw and intoxicating. It made my breathe hitch. Napapikit lang ako at tinanggap ang kaniyang halik. Inangkin muli ni Seatiel ang mga labi ko habang sinasandal sa puno. Madilim ang paligid at tanging ang ilaw mula sa lighthouse sa malayong dulo ng isla ang umiikot sa buong paligid at buong dagat, at ang maliwanag na buwan. “I want you, Lauren. Every bit of you.” Tumigil siya saglit at tumingin sa mga mata ko. Desire, admiration, and sincerity were all mixed in his eyes. “I want you... too... Seatiel,” mahinang saad ko na halos walang boses na lumabas sa pamamanhid ng aking lalamunan. His jaw ticked as he continued kissing me, pulling my waist closer to his body. Napaungol ako nang maramdaman ang kaniyang haplos at paggapang ng kamay sa katawan ko, patungo sa mga hita ko. Pumaluob ang kaniyang kamay sa loob ng aking bestida. His fingers teased on top of my underwear. Sa sobrang pagkatuon ng atensyon sa kaniyang ginagawa, hindi ko na namalayang dumahas na rin ang halik ko, but my attention was with his fingers! “You want it again, huh,” he smirked and reached for the soft cotton lining of my panties that was pressed against my very skin. Napakurap ako. Kinagat ko ang aking labi nang naramdaman ang kamay ni Seatiel doon kasabay nang pagbaha ng kung anong pakiramdam sa aking kabuuan. He pulled the fabric between my thighs to the side. Naliliyo na ako sa aming halikan at isabay pa ang nanunukso niyang daliri sa aking gitna! “S-Seatiel...” Impit akong napahinga nang naramdaman ang kaniyang daliring humagod sa ibabaw ng p********e ko. He rubbed on my c**t that almost made me finally stop kissing him! Gusto ko na lang mapayuko at panoorin iyon. Napahawak ako sa kaniyang braso habang naramdaman ang pagkadulas ng kaniyang daliri doon. I couldn’t believe the feeling that rushed through me. This isn’t the first time, but it still feels the same, always foreign. Always making me feel like my mind is being blown! “You like this, hmm?” he whispered while he kissed me softly. Pinagpawisan ako kahit malamig, especially my back pressed hard against the tree, at ang daliri ni Seatiel mula sa labas ay unti-unting dumulas sa aking loob. My lips parted and I kissed him hard, habang paulit-ulit niyang hinagod ang daliri sa aking loob. “Seatiel,” I cried his name when it felt so good. Ramdam ko ang init niya. He added another digit inside, sending a chill down my spine and heat pooling in my pelvis. “Kiss hard, Lauren.” He ached while he pressed me hard against the tree. Halos mapatingala na lang ako at maibagsak ang ulo sa katawan ng puno, pawis na pawis at hinihingal habang walang tigil sa paglabas-pasok ang kaniyang daliri sa aking loob! Rinig na rinig ang pag-ulos ng kaniyang daliri sa loob ko dahil sa pagkakabasa ko. It was embarassing cause I was too wet, but Seatiel seemed to like it! “Hot,” bulong niya habang bumaba ang halik sa aking leeg kung kaya’t napasandal ang ulo ko sa puno at napabaling sa gilid habang ang kamay ay nanatili sa kaniyang batok at halos mapasabunot na sa kaniya. Halos hindi na ako makapagmulat. Ang bigat ng talukap ng mga mata ko at parang manhid ang lalamunan. I could only gasp for air, trying hard to stop my moans! “Ah...” Naramdaman ko ang init sa gilid ng mga mata ko kasabay ng matinding sarap na bumalot. I felt the gush of liquid escaped my lower abdomen! Hindi pa agad tumigil si Seatiel kahit nang napapikit na ako at napasandal sa puno! I couldn’t believe it and when I finally finished, I felt my walls clenched around his fingers. Hindi niya iyon inalis agad sa aking loob at nang tingnan ko habang hindi makapaniwala sa nangyari, nakita ko ang pangingintab ng kaniyang mga daliri! It was coated by my wetness. Natulala ako habang bumagsak nang kaunti si Seatiel sa aking leeg, mabigat ang paghinga at napapamura din. Halos hindi pa rin ako tapos sa aking nararamdaman, hinugot na iyon ni Seatiel. Sumunod ang tingin ko sa daliri niya nang ilabas niya iyon and I felt my stomach twitch. “S-Seatiel...” Kaunti na lang ang bakas ng dugo sa kaniyang daliri, almost none, unlike the last time we did it! And probably like the first time this happened. Hindi niya lang sinabi sa akin! Pawisan pa rin ako at tulala. Seatiel kissed my jaw while I’m still recovering from it. Narinig ko ang pagkalas ng belt niya. Napamulat ang inaantok kong mga mata sa pinaghalong pagod at kasabikan. Dumoble ang kabog ng dibdib ko habang inaalis ni Seatiel ang suot niyang belt. Kinalas ko ang butones ng kaniyang button-down shirt. Hindi niya ako pinigilan at dahil nanginginig ang mga kamay ko ay siya pa ang tumapos sa huling dalawang butones. Inabot niya ang labi ko at malalim na hinalikan. Inalis ko sa kaniyang mga balikat ang long sleeves at hinayaan ‘yong bumagsak sa damuhan. Napatitig ako sa malapad niyang dibdib. Our eyes met when Seatiel pressed himself against my body. Napasandal ako sa katawan ng puno at napakapit sa kaniyang braso. “I want you naked, sweetheart, kaya lang... baka mangati ka sa puno.” Sinamahan niya ‘yon ng mahinang tawa at ngisi. Ang isasagot ko sana’y naiwan na lamang sa ere, when I felt his manhood teased and slowly pushed inside me. Ang isang binti kong nakakapit sa bewang niya at hawak niya bilang suporta ay halos maglikot. Napaawang ang mga labi ko sa ginawa niyang biglang pagpasok. Tila napuno ng hangin ang baga ko sa biglaang pagkatigil ko sa paghinga dahil sa ginawa niya. “S-Seatiel!” I called, halos bumaon ang mga kuko sa braso niya. Pakiramdam ko ay may napunit sa kaloob-looban ko sa ginawa niyang pagpasok! Nakita ko na iyon noon, nahawakan ko pa nga! Hindi biro ang laki niya pero hindi ko naisip na ganito kasakit iyon kapag pinasok niya sa ‘kin. My walls are stretching trying to adjust to his size! “A-Ang... ang sakit...” Habol-habol ko ang paghinga habang nag-iinit ang sulok ng mga mata ko. Saglit ko siyang itinulak pero dahil nanghihina rin ang mga kamay ko ay ni hindi man lang siya nadala sa tulak ko. Gumalaw siya paloob kaya napamura ako sa sakit. “Seatiel...” I gasped again. Naisubsob ko ang mukha sa leeg niya. Halos mabasa ‘yon sa luha ko na sumabog sa aking mga mata, just to accommodate the pain! “It will only hurt for now. Mamaya mawawala rin,” bulong niya. Napapikit ako at dinama siya sa kaloob-looban ko. “L-Lahat... l-lahat na ba ‘yan?!” Sinalubong ako ng mapungay niyang mga mata. Nag-igting ang kaniyang panga. “Hindi pa. Kaya mo ba... kung lalahatin ko na?” Halos manlaki ang mga mata ko. A-Anong hindi pa lahat? Hindi pa lahat iyon? “S-Seatiel... anong hindi pa lahat?” Nanghihinang tiningnan ko siya. “Hmm, sorry...” Pumungay ang kaniyang mga mata at mariin ang bulong, nagpipigil. “Ipapasok ko na lahat para hindi na ganoon kasakit mamaya.” W-What? Anong mamaya? Hindi pa ba ito iyon? Hindi pa ako nakakasagot sa kaniya ay mas tumulak pa siya paloob sa ‘kin! Muli akong napadaing at kinulong iyon ng labi niya para i-distract ako sa ginagawa niyang pagpasok hanggang sa bumaba ang mainit niyang bibig sa leeg ko. Mabigat ang kaniyang paghinga habang pigil na pigil ang ungol na kinukulong sa aking leeg. “Feel it for now...” bulong ni Seatiel na pinakakalma ako. Tumango ako at hinayaan siya. To distract myself from the pain, I tried kissing him, too. Noong una’y hindi siya tumugon pero pinagbigyan din ako. Napadaing ako sa labi niya nang gumalaw siya sa loob ko. Masakit. Paulit-ulit niyang ginawa, marahan at tantiyado. Pero napapakapit pa rin ako sa kaniya. Nang makita niyang hindi na ganoon kasakit ang hatid niyon sa akin ay pansamantala siyang tumigil. Seatiel pulled himself, pagkatapos ay pinakalma niya ako. He massaged my still throbbing feminity. Napapikit ako sa ginawa niya. Nabawasan na ang sakit at unti-unti na akong may naramdamang kakaibang sensasyong hatid niya sa loob ko, pero mukhang wala siyang balak na angkinin ako nang buo sa lugar na ‘yon at sa ganitong pwesto. Binaon niyang muli ang mukha sa leeg ko at pinatakan ng mga halik ang aking balikat. “I’ll take you with me tonight. Let’s sleep together, Lauren,” bulong niya. “K-Kina Ate Aly?” Nanghihina pa ako, pero nang sabihin niya ‘yon ay parang marami pa akong lakas sa lahat ng gagawin niya ngayong gabi. Nagtama ang paningin namin nang mag-angat siya ng namumungay na mga mata. Seatiel brushed his lips against mine. “I’ll take you... somewhere.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD