Nag start na kong kumain . nababalot nag katahimikan ang mesa namin.
"Ahm "
pag basag nya sa katahimikan.
napatingin naman ako sa kanya.
"Salamat nga pala ulit kanina ah "
"wala yun "
" Bakit nandoon ka pala sa kabilang building kanina ? Akala ko doon ang room mo "
"Sinamahan ko kase pinsan ko hanapin yung room nya."
"Ah May pinsan ka pala Dto . Bakit ikaw lang mag isa ? nasaan pinsan mo bat dimo kasabay ? " hayss ang kulit di ako maka fucos sa pag kain ko daming tanong
" Nauna na sya kase may gagawin daw sya. "
hanggang sa timahimik na ulit. kain! Kain !
nag bell na ulit . hudyat na tapos na ang break time.
" A-a-Akie? "
Pag Tawag nya sakin . At agad naman akong napalingon. Tumingin ako sa kanya na hinihintay ang sunod nyang sasabihin.
"pwede bang sabay na tayo pumunta sa room ? " Ay wow feeling close!
"Sige" Matipid na Sabi ko sa kanya .
Nag Lalakad kami sa hallway ng makasalubong namin ang pinsan ko.
nga pala guys.
Shella Mae Dela vega Name ng pinsan ko nakalimutan kong sabihin kanina hehe
Malayo palang nakangiti na ang loka.
ngiting parang ng aasar.
"Insan " tawag ng loka loka sakin
tinignan ko naman sya ng tingin na tumigil sya look!. kilala ko na kase to e. mang aasar nanaman to. basta ganto ang ngitian nya.
Sabay tingin sa kasama kong lalaki na si dave. balik naman ang tingin sakin na tingin na parang sinasabi na sino sya ?
"Hali ka na nga. late na tayo" sabay hila kay dave ng bahagya . para makalagpas kami ng mabilis sa pinsan ko.
"Insan ! Sabay tayo mamaya pag uwe ah. may dapat kang ikwento sakin" sumigaw ba naman yung babaeng yun sa hallway habang nakaway kaway pa!
Pag karating namin sa room e andoon na yung sunod naming Sub.
nag deritso deritso lang kami. at nag tungo sa kanya kanyang upoan.
matapos ang ilang oras e natapos na din ang isang buong araw na INTRODUS YOUR SELF -____-
"UWIAAAAN NA "
sigaw ng pamilyar na boses ng babae sa likod ko ! si shella pala.
ingay talaga ng bunganga neto e. daig pa speaker salakas !
"Uy pinsan tara na . mag kwento ka naman sakin about doon sa lalaking kasama mo kanina " Sabay tingin sakin ng parang batang nag aaya sa playground na inaantay ang pag oo ko!
"Hay nako ! tantanan mo nga ako! cmate ko lng yun!
"Susss! Wag nga ako Jane! Ngayon lang kitang nakitang may kasamang lalaki !
kulit talaga nitong babaeng to. nag tatanong tapos di maniniwala pag sinagot haysss . nako!
"Bahala kong ayawa mo maniwala ! "
"Eh sino ba yung at bakit mag kasama kayo? tapos hinila mo pa sya ! ayhieee inlove na ata yung pinsan ko "
hay nako shella di ko talaga alam kong bat ganya. ka -___-
"Bahala ka na nga !"
Nauna na ako sa pag lalakad. kulit kase ni shella ayaw maniwala e.