NIYAKAP ko ang sarili ko, hinimas ang bahaging hawak kanina ni Dr. Martin. “I feel so dirty and guilty for feeling this way,” garalgal na anas ko. Sandaling hindi nakasagot ang lalaki. Hindi ko alam kung nabigla ba siya o hindi lang talaga alam kung ano ang magiging reaksiyon sa pag-amin ko. Lalo tuloy akong nahiya. Maya-maya ay seryoso siyang nagtanong, “Bakit ka na-gi-guilty?” Na-frustrate ako sa tanong niya. “I feel guilty because I enjoy it, okay? I enjoyed it when he used me for his own pleasure. I enjoyed the pain. I enjoyed being powerless against him. And I feel guilty that I’m still craving for more. At hindi iyon normal, hindi ba? Ikaw ang psychiatrist, ikaw ang magsabi sa akin. There is something wrong with me, right?” Matagal na natahimik siya. Pinagsalikop ang mga kamay

