"AALIS ka na?" gulat na tanong ni Riri kay Stranger matapos nitong magpaalam sa kanya na uuwi na. Tumango si Stranger. Blangko ang mukha nito. Para bang bad mood ito. "Palabas ka na rin naman ng ospital, 'di ba?" "Hindi ka ba sasama sa paghatid sa'kin pauwi? 'Di ba, ikaw ang driver ko?" Binigyan siya ng kakaibang tingin ni Stranger. "Are you for real? Nakita mo ba kung gaano karaming bodyguard ang nagbabantay sa labas ng kuwarto mo? Saka sa tingin mo ba, papayag ang daddy mo na isang hamak na estudyanteng tulad ko lang ang magmamaneho para sa'yo pagkatapos ng nangyari ito? Na kung tutuusin, kasalanan ko. Kung hindi dahil sa pakiusap mo, malamang hindi na ko pinapapasok dito ng mga bantay mo." Napasimangot si Riri. "Bakit galit ka?" Bumuga ng hangin si Stranger, masama pa rin ang timpl

