ANGEL Kagabi pa ako hindi mapakali, halos madaling araw na ako nakatulog dahil sa sobrang saya. Sa wakas may trabaho na ako at sa isang malaking ospital pa sa Makati ako mag tatrabaho. Maaga pa naman kaya tinulungan ko pa si Mama na magluto ng pag kain namin. Adobong sitaw at pritong isda ang ulam namin ngayong tanghalian. Ako ang nag hihiwa ng sangkap habang si Mama naman ang nag piprito ng isda. "Ma, may tanong po ako? Naniniwala ka ba sa multo? Naranasan muna ba yung pang may nakatingin sayo habang naglalakad ka." tanong ko kay mama. "Bakit mo naman yan natanong? May nakita o naramdaman ka bang multo?" sagot ni Mama. "Feeling ko lang kasi kahapon, Ma, doon sa ospital na inaplyan ko na parang may nagmamasid sa akin. Nilibot ko naman ang paningin ko pero wala akong nakitang tao sa p

