RICHARD Dahil sa pagdating ni Dr. Rafael sa buha ni Angel, nagulo bigla ang isip ko at nabago bigla ang plano ko. Inaanim ko na natatakot ako na baka maagaw niya ang atensyon sa akin ni ANgel ngayon. Sobrang open siya sa nararamdaman niya kay Angel samantalang ako hindi ko pwedeng sabihin sa lahat na gusto ko siya at mahal ko na siya. Ako ang humilingh sa kanya na ilihim namin kung ano man ang namamagitan sa amin. Pero hindi ko talaga mapigilan mag selos kapag nakikita kong lumalapit sa kanya si Dr. Arnaiz. Gwapo din siya at palabiro kaya alam kong hindi malayong mahulog ang loob ni Angel sa kanya. Isa pa nakasama niya rin ito sa San Isidro kaya may friendship ng nabuo sa kanila. Kahit hindi ko gusto ay napipilitan akong lumapit kay Angel, ayaw ko na malamang ako ng Bisugong doctor

