MAKALIPAS ang isang linggo. Mula sa K entertainment ay nakarating na rin si Valine sa parking lot ng K electronics. May usapan sila ni Creon na doon na lang magmi-meet kapag tapos na niyang kausapin ang manager na hahawak ng mga bago nilang talents. Dahil sa nangyari kay Creon—chairman ng K entertainment ay mas naging sikat pa ang kompanya nito at tinangkilik ng mga mga artistang katatapos lang ng kontrata sa ibang entertainment company. Isa sa mga katibayan dito ay ang isang sikat na lalaking artist mula sa Red City, na ngayon ay pormal ng hawak ng K entertainment ang management—bilang ka-love team ng isa rin sa mga sikat nilang talent na si Miss Xiantal. “Wahhh! Wahhh!” Napalingon naman si Valine nang makarinig siya ng isang iyak ng sanggol mula sa third block ng mga nakahilirang sasa

