Papalapit na si Valine sa kinaroroonan ni Creon at ng babae habang nakatalikod pa rin ang mga ito. ‘Hah! Ngayon na nasa malapit na ako ay mas nakabibiwiset pala ang ginagawa ng babaeng ’to!’ Valine was starting at the huge mountain sa dibdib ng babae habang pasikreto nitong idinidikit sa braso ni Creon ang bandang gilid. ‘Baka kung ano pang mikrobyo ang masagap ni ninong diyan!’ Nanggigigil na mahigpit ang hawak ni Valine sa dala pa rin niyang container ng ulam. Tinanggal na niya ang bag nito kaya ay nakalabas na ang mainit na parte ng sisidlan. ‘Kapag nangangati ang isang tao, mabisang panlunas ang pagpapainit sa banda ng katawan kung nasaan ang irritation . . . ‘Maybe this will work sa kati-kati ng babaeng ’yan!’ “You see, Mr. Kalistov. My husband is ano, iyong kuwan . . . e-transfer d

