Ala una na nang madaling araw nang na-proseso ni Agatha ang emergency transfer ni Creon from Winery Town public hospital, going to Good wind private hospital, kung saan ay doon magaganap ang emergency caesarian operation ni Valine. Dahil sa kahilingan ni Valine na nais muna nitong makita nang personal si Creon bago operahan ay naging madalian ang ginawang pagkilos ni Agatha, sa tulong na rin ng kapangyarihan ng Ama ni Valine. ‘Marami talagang nagagawa ang pera. Kahapon lang ay problema namin ang bills ng kapatid ko sa Ospital. Pero ngayon ay para lang walang nangyari . . . Everything was solved just a blink of an eye. Ang natitira na lang ay ang mga problema sa office.’ Agatha was thinking deeply habang naka-lean sa loob ng ambulance —kung saan ay katabi niya ang naka-oxygen na si Creon.

