" Kaya tay, magiingat po kayo sa mga sasabihin niyo lalo na kapag kaharap natin sila." Sabi ko kay tatay. Huminga ito saka tumango na lang. Kinabukasan maaga pa ako nagising. Pagtingin ko wala ang anak ko sa tabi ko. Nagbihis ako bago ako lumabas. Paglabas ko hinanap ko si Cael. " Luke nasaan ang anak ko?' Tanong ko dito. "Kasama po nung Seniorito Primo yata yun. Sakay ng kabayo." Sabi nito. Napakunot ang noo ko sa narinig. "Bakit niyo hinayaan." Sabi ko sa kanya. "Si mang Primo ang pinagpaalaman niya e. Pumayag naman ito kaya hindi na kami umimik." Sabi ni Luke. "Haays, si Tatay talaga." Inis na sabi ko. "Nasan si Tatay?" Tanong ko uli. "Pumunta na po sa malaking bahay." Sabi ni Wayne. Napatingin ako sa damit ko nakasuot ako ng bistida na kulay puti na spaghetti strap na fit sa

