***PRIMO POV#*** Nanlumo ako ng hindi siya nakarating sa birthday ni lola. Akala ko pa naman darating siya kasi si lola mismo ang nagpadala ng invitation sa kanya. Pero hindi parin siya dumating. Siguro galit talaga siya sa akin. Nagaalmusal ako ng dumating si Reeve sa bahay. "Nalaman mo na ang balita kay Zane. " Sabi niya napatingin ako dito. "Anong balita?" Tanong ko sa kanya na nakakunot ang noo. "Haays, magbasa basa ka din kasi ng balita minsan minsan. Hindi yung puro sa negosyo na lang ang binabasa mo. " Sabi niya sa akin sabay hagis sa akin ng isang news paper. Nakakunot ang noo na dinampot ko ito. Saka binasa. "The owner of Aguilar inc.( Albert Aguilar )died recently from Brain cancer. " Basa ko saka tiningnan ang picture. Kuha ito ng libing niya. Napakunot ang noo ko

