" Ikaw rin naman hindi parin nagbago para ka paring manok puro putak. " Sabi din ni Xian. Biglang sumeryoso ito. " Uy, uy, Ere ang tuba masarap ere subukan niyo." Sabi ni mang kanor. Saka nilapag sa gitna ng lamesa ang tatlong galon. " Naku mang kanor hindi kaya kami malasing nire.Pupunta pa kami sa malaking bahay mamaya." Sabi ni Jek jek. " Aysus para namang mga bago sa inyo yan. si miss Alona malalasing pa pero kayo hindi tatalab sa inyo yan." Sabi ni Tatay. nagtawanan ang mga kasama namin. Nilapag din nila Luke ang inihaw na isda na nakatuhog sa stick at Barbecue na manok. Pinagbibigyan ko sila ng baso. "Bawal ang sosyal dito ah." Sabi ko. Nagtawanan ang mga kababata namin. Hinihintay ko na umimik si Primo pero hindi na ito umimik. Natatawa na lang sa akin sila Xian. May dumatin

