Chapter 55

1062 Words

"Sorry, hindi ko alam kung kaya ko pang magtiwala at magmahal ng kagaya ng dati. Natatakot akong masaktan at mabigong muli dahil hindi ko na alam kung papano ko pa bubuuhin ang sarili ko pag nagkataon lalo nat may anak akong umaasa sa akin." Sabi ko saka ako humiwalay sa kanya. " Maghihintay ako kung kailan handa kana na tangapin akong muli sa buhay mo." Sabi niya. Hindi ko na siya pinansin pa nagmamadali akong bumalik sa silid ko. Pagdating ko dun umiyak ako ng umiyak. Hindi ako agad nakatulog. Nagaalala ako na mahulog muli sa kanya. Lalo nat alam ko sa sarili ko na mahal ko pa siya. Ayoko ng maulit muli ang nakaraan. Kinabukasan pag gising ko nagbihis ako. Saka lumabas. "Lydia nasaan si Cael?" Tanong ko sa yaya ng anak ko. "Kasama po ni Sir Primo ma'am. Nasa tabing dagat po sila."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD