"Huh, talagang lalaban ka sa amin ha. Baka mamaya nasa kalahati pa lang ang kabayo mo sumuko na yan. " Sabi ni Crystal saka nagtawanan sila ng mga kaibigan niya. Natawa ako sa kanila. "Ikaw hinanda mo na ba ang kabayo mo Prinsesa kasi baka mamaya nagmana ng kaartehan mo ang kabayo mo. Hindi pa naman uso dito ang mga maarte. Dahil ang maarte dito pinakakain ng alikabok. " Sabi ko sa kanya. "Ang yabang nito. Wag mong matahin di Challis ko inilaban ko na kaya siya at nanalo kami 3rd place. Kaya humanda kayo ng kabayo mo mamaya." Sabi niya saka inirapan ako at umalis. Natawa na lang ako sa kanya. Tawa ng tawa si Mona. "Ang laki talaga ng insecure nun sayo. Ano naman ang paki mo kung nanalo na sila sa karera ng kabayo niya. Dapat nga kampante pa siya." Sabi ni Mona. Nakita ko na sasali pala

