" Kaya hindi siya nagpaopera dahil hahanapin pa daw niya ang mama mo. Pumayag ako pero lagi naming chine check ang paggalaw nito. Nakita namin na unti unti itong bumabaon. Pinilit ko uli siyang magpaopera nung makita nita kayo. Pero aabi niya nais ka daw muna niyang makasama kahit isang taon lang sapat na daw sa kanya yun. Kaya ng dumating la tuwang tuwa siya. Sakto lang dahil mas bumaon pa ang bala. Humingi siya sa akin ng tatlong araw para magpaalam sayo. Pero hindi na niya nagawa pa. " Sabi nito. Napaiyak na siya ganun din ako. " Naiintindihan ko siya dahil kung ako din ang nasa kalagayan niya hindi din ako magpapaopera.Dahil mas pipiliin ko na makasama muna ang mga mahal ko sa buhay. " Sabi niya habang naiyak. Umiiyak na hinawakan ko ang kamay ng papa ko. Iniwan na niya ako. " Papa

