" Hindi mo ba kakausapin muna si Primo bago ka umalis?" Tanong ni tatay sa akin. Huminga ako ng malalim. "Tay, ilang beses na natin itong pinagusapan diba?" Sabi ko sa kanya. Huminga siya ng malalim. "O siya sige kung ayaw mo. Tulungan na kita at baka kayo gabihin sa daan." Sabi niya saka tinulungan na ako. Ng matapos ako. Tinawag ko na ang yaya ng anak ko pinabuhat ko narin kayla Luke ang mga bagahe ko. Habang karga ko ang anak ko na tulog na tulog. Nagulat ako ng makita ang isang sasakyan sa labas. "Kaninong sasakyan yan tay?" Tanong ko kay tatay. "Pinadala ni seniora para masakyan niyo. Sinabi ko na kasi sa kanya ang plano niyong pagalis ngayon. Kaya pinapunta niya dito ang driver niya para ihagid ako. " Sabi ni Tatay. Hindi na ako umimik. Nagpaalam na ako kay tatay. Saka ako su

