" Saka ko na lang yun poproblemahin tay. Sa ngayon akin lang si Cael. " Sabi ko saka tiningna. Ko ang anak ko. Nagpapasalamat ako na kamukha ni Papa ang anak ko. Atleast makitaan nila ito hindi nila malalaman na anak ito ni Primo. Hinayaan ako nila Papa sa gusto ko. Pagkaraang ng dalawang linggo bumalik na ako sa pagaaral ko. Sa bahay nga lang kaso hindi pa ako pinapayagan ni Papa na pumasok sa school dahil baka mabinat ako. Pagkalipas ng apat na taon grumaduate ako sa korsong Business ad. Tuwang tuwa sila Papa at tatay Kanor dahil Mataas ang karangalan na nakuha ko. "Sabi ko na nga matalino ka anak. Hindi ka lang nagaayos magaral noong nasa Hacienda ka kasi sunod ka ng sunod kay Seniorito Primo." Sabi ni tatay Kanor. "Mama bakit po kayo sumusunod sa seniorito Primo na sinasabi ni

