May mga bagay na dapat hindi na inaalam o inaamin. Dumilat ang mga mata ko habang hindi maalis sa isip ko ang mga salitang iyon. Tumingin ako sa paligid nasa silid pa rin ako pero wala na si Minerva. Sumandal ako sa pader. Pumikit ng mariin. Bakit humingi siya ng tawad? Dumilat ako at buntong hininga. Bumukas ang pinto. Paglingon ko nagtagpo ang mga mata namin ni Will. Ang mga mata niya ay naging pula at para akong nahihiptonismo. Ilang segundo nagkatitigan kami at ni walang isang salitang namutawi sa mga labi. Hanggang biglang tumikhim siya. Nag-iwas ako ng tingin. “Kumain ka na ba?” Mahinahon niyang tanong. Umiling lang ako. Pumasok siya at dumiretso sa kusina. Sumandal na lang muna ako sa pader. Nagproproseso pa rin ang utak ko kung ano bang ibig sabihin ni Minerva sa paghingi niya n

