Hindi ko mapigilan ang ngiti ko habang tanaw pa rin sa hindi kalayuan sina Era at Matthew. Ang mga mata nila ay nakapako sa bawat isa. “Ngumiti ka lang, nabubuo na ang mundo ko.” Lalong lumapad ang ngiti ko sa sinabi ni Matthew kay Era. Kanina lang nagdurugo ang puso ni Era pero ngayon ang kilig niya abot hanggang sa pulang buwan. Napahinto ako ng mapatingin sa pulang buwan at namilog ang mga mata ng makita nasa tuktok na naman ng puno si Will. Pinagmasdan ko lang siya. Masyado na naman ang pagkasuplado niya kanina pero ngayon naman ramdam ko ang pighati. Gaano ba kahirap mawalan ng minamahal? Is it better without them, or is it so bitter that you end up miserable? “Malusaw si Will.” Lumingon ako sa nagsalita. Ngumiti lang si Steve. Lately, nagiging friendly na siya sakin. “Ganyan talag

