Lumapit ako kay Will at hinawakan siya sa braso. Napaatras ako ng maramdaman ang pagdaloy ng enerhiya mula sa braso papunta sa kamay ko. “Bakit?” tanong niya. “W-Wala.” nauutal kong sagot. Isang hakbang lang niya ang pagitan namin dalawa at akmang hahawakan niya ang kamay ko ng biglang umurong ako. Tinaasan niya ako ng kilay at tinitigan ng matalim. “B-Babalik na ko kay Minerva.” sagot ko at nilagpasan siya. Lumakas ang t***k ng puso ko at halos hindi makalakad papunta kay Minerva. “Anong nangyari sayo?” tanong niya. Umiling ako at pilit na ngumiti. Sakto naman ang dating ng mga Damien’s brothers maliban kay Will. Hindi na siya bumalik matapos ang pag-iwas ko sa kanya sa comfort room. Pinilit ko na lang maging masaya sa harap nila. Lalo na pinaghanda nila ako ng pagkain. Natuwa naman

