Hindi ko alam kung paano akong nakarating sa kama dahil sa sobrang gulo ng isip ko. Nangiginig akong tumingin sa mga kamay ko. Alam ko ang naramdaman kong sakit at kirot sa bawat sulok ng katawan ko kanina pero bakit wala ni isang bakas ng sugat? Bumukas ang pinto ng silid ko pero hindi pa rin ako gumalaw sa akin kinauupuan. “Ano bang nangyari sayo?” Kahit hindi ako lumingon alam kong si Minerva ito. Rinig ko ang bawat yabag niya na papalapit sakin pero sobrang lakas hindi kagaya ng dati. Tinakpan ko ang tainga ko pero patuloy ko pa rin itong naririnig. Naramdaman ko na lang ang malalamig na kamay ang humawak sa mga kamay ko. “Nancy? Mayroon ba akong dapat malaman?” Hinawakan niya ang baba ko at tumingin ako ng diretso sa kanya. Mapagkakatiwalaan ko ba siya? Pero… Paano siya maniniwala ku

