Hindi ako makasagot kay Will. Hinawakan niya ang baba ko at sinalubong ang mga mata ko. Umiwas naman ako ng tingin. “May problema ka ba?” Napasinghap ako at naglakas loob na humarap na sa kanya. Imposibleng ako si Cia. “Wala,” Pilit akong ngumiti. Hinawakan naman niya ang kamay ko at kumilos ng mabilis. Napakapit ako sa braso niya. Nakikita ko pa rin ang mga nadadaanan namin mga silid hanggang makarating kami sa mga matataas na mga puno. Huminto siya at tumalon. Sa isang iglap nasa taas na siya ng puno. “Ano naman ang mga ginawa mo nitong nakaraan araw?” Napatitig ako sa kanya. Ito ang unang beses na tinanong niya ako sa mga ganitong bagay. Tumalon siya pababa at humarap sakin. Kunot ang noo niya. Tumikhim ako at umatras palayo para maitago ang lakas na pintig ng aking puso. “O-Okay

