Siguradong halata ang eyebags ko dahil hindi na ako nakatulog ng maayos kagabi. Bakit hindi ko maalis sa isipan ko si William Damien? Buntong hininga ako at nilagay sa bag ang niluto kong almusal na itlog at hotdog. Hindi ako makakilos ng maayos sa sobrang antok. Nagmadali na akong lumabas ng silid ko ng marinig ang bell. Tumakbo na ako palabas nagbabakasakali na maabutan ko pa ang first subject at hindi masyadong malate. “Aray!” Napasigaw ako ng bumunggo ako sa matigas na pader, at nagtaka ng makitang may paa ito. “Hindi ka ba…” Hindi ko maituloy ang sasabihin ko ng makita ang nakakaakit na ngiti ng lalaking nasa harap ko. Nagliliwanag ang mukha niya at nakakawala ng galit. Hindi ko namalayan na napangiti na rin ako. “Kumusta ka na, Cia—” “Her name is Nancy, let’s go, Vince!” sigaw n

