Nakatitig lang ako sa repleksyon ko sa salamin. Maraming tanong ang tumatakbo sa isip ko pero hindi ko alam paano ko malalaman ang mga kasagutan. Sa wakas nangawit din ang mga paa ko at umupo na ako sa may gilid ng kama. Dapat magpahinga lang ako sa araw na ito pero bakit hindi ko na kayang gawin? Ang boses ng babaeng yun at ang pagsabi niyang pamilya Ward ang mas lalong nagpagulo ng isip ko. Nanlaki ang mga mata ko. “Cia Ward?!” Bulalas ko sa kawalan. Binigyan niya ako ng hint. Ang takot na pinaranas niya sakin ay malaking tulong upang malaman ko ang lahat. “Kailangan ko ang libro ng mga Ward.” Mabilis akong tumakbo sa pinto at pagpihit ko bumungad ang nakakasilaw na mukha ni Will. Hindi ko mapigilan mapangiti. “Where are you going?” tanong niya bigla. Napapikit ako. Bantay ko nga pa

