Chapter 2:Master Will

1043 Words
Ang himbing ng aking pagkakatulog. Mukhang hindi ako binulabog ng aking pamilya ngayon. Siguro naawa sila sa akin. Niyakap ko mahigpit ang pagkakahawak ko sa malambot na unan. Napamulat ako ng maalala ang lahat. Tumingin ako sa paligid at nakitang nasa malaking silid ako ng napapalibutan ng mga bagay na kulay pula. Kumunot ang aking noo at lumapit sa pinto. Akmang bubuksan ko ito nang biglang may nagsalita sa aking likuran. "Kung ako sa iyo hindi ko bubuksan ang pinto na hindi man lang ako nasisilayan," saad ng isang lalaki. "Napakapresko mo naman---" hindi ko maituloy ang aking sasabihin ng makitang ang maganda niyang mukha. Parang hinulma ang hugis nito at bumagay ang matangos niyang ilong. Ngunit napakunot ang aking kilay dahil sobrang putla ng gwapong lalaking nasa harap ko ngayon. Lumapit ako sa kanya at itinusok ko ang aking daliri sa kanyang mukha. "Totoo ka naman pero bakit parang walang dugo ang iyong mukha," Hinila niya ako bigla at itinulak sa kama. "Wala kang galang!" Sigaw nito. Agad akong tumayo at yumuko. "Patawad po, hindi ko po alam na matanda na pala kayo." Tuloy tuloy kong sabi at biglang may malakas na tumawa sa paligid. Iniangat ko ang aking ulo at pagtingin ko ang mga mata ng lalaki ay kulay rosas na para bang ano mang oras ako ay kanyang kakainin. Namutla ako sa takot at napaatras. Biglang pumagitna sa amin si Lucas at hindi pa rin mapigilan ang kanyang pagtawa. "Lucas!" Biglang sigaw ng lalaki. "Disiplinahin mo ng mabuti ang babaeng iyan!" Dagdag pa niya at lumabas ng silid. "Sino ba ang lalaking iyon? Akala mo kung sino kung magalit." Usisa ko kay Lucas. "Nancy Wayne. Matuto kang gumalang."sagot ni Lucas at tumawa na naman ito habang hawak ang kanyang tiyan. "Alam mo ba ikaw lang ang tanging nilalang na kilala ko ang nagpawalk out kay Master Will. Kakaiba kang tao pero goodluck na lang sa tapang mo dahil walang nagtatagal na tao dito." "Ano ibig mong sabihin?" "Wala, kailangan mong sumunod sa akin at makinig ka sa lahat ng aking sasabihin." Pagiiba ng usapan ni Lucas. Tumango na lamang ako at sumunod sa kanya habang palabas ng silid. "Una, susundin mo lahat ng sasabihin ni Master Will," Tumango ako ngunit hindi ko narinig ang sumunod niyang sinabi ng mapahinto ako sa mga larawan sa dingding. Ang gaganda at ang gwapo ng mga nasa larawan. Naputol ang pagkamangha ko dito ng bigla itong natakpan ng mga makakapal na kurtina. Tumingin ako sa paligid at nagulat ng hilain ako ni Lucas. "Pangalawa Nancy, huwag mong hahawakan ang alin mang larawan sa dingding." "Pero bakit? Gawa ba ito sa ginto para hindi pwede hawakan." Tanong ko. "Oo," sagot niya. "Huh?" Natameme ako at hinila niya akong muli. "Alisin mo ang ganyang expresyon sa iyong mukha. Matuto kang makihalubilo sa mga nilalang dito sa palasyo." "May magagawa ba ako," bulong ko. "Naririnig ko ang bawat sinasabi mo. Nancy Wayne mula ngayon ang itatawag sayo ay 'Cia'" "Ano? Bakit kailangan palitan ang pangalan ko." Sigaw ko. "Hindi papalitan ang pangalan mo. Tatawagin ka lamang dito na Cia. Yan ang utos ni Master Will," "Sino ba siya na dapat kong laging sundin?" Naiirita kong tanong. "Siya lang naman ang bumili sayo," diretso sagot ni Lucas. Para akong sinampal ng katotohanan sa kanyang tinuran. Tama nga naman siya kapalit ng maraming salapi na ibinigay niya sa aking magulang ay ang paggawa ko lahat ng gusto ng kanyang Master. Hindi na ako umimik at nagpatuloy na lamang sa pagsunod sa kanya. Idinala niya ako sa malaking dinning room at pinaupo. Tahimik lamang akong sumunod sa kanya. "Mukha may kumuha ng iyong dila?" Usisa't ni Lucas. "Pagod lang siguro ako," sagot ko. Habang hinihila ang upuan ngunit hindi man lang ito gumalaw. Gaano ba kabigat ang upuan na ito. Lumapit lang siya sa akin at hinila ang upuan ng isa lamang niyang kamay. Wow! Ang lakas niya. "Kumain ka na muna at si Minerva na ang magtuturo sa iyo sa mga dapat mong malaman sa palasyo," wika ni Lucas at mabilis na lumabas ng dinning room. Nakahinga ako ng maluwag nang makaalis si Lucas. Umupo ako at nagningning ang aking mga mata sa mga pagkain sa mesa. Maraming masasarap na pagkain --- isang buong letchon ng baboy at manok, pasta, nilagang baboy, mga hipon at iba iba pang putahe. Sino kaya ang makakasama komg kumain dito? Maghihintay muna ako bago ako kumain. Naghintay ako ng kalahating oras at nilibang ang sariling pagmasdan ang mga bulaklak sa bawat sulok ng silid. Hanggang hindi ko na matiis at sinimulan ng ang pagkain. Sa buong buhay ko mgayon ko lamang nagawang sundin ang nais kung gawin at walang sumisigaw sa akin o nananakit. Masaya akong kumain sa malawak na mesa kahit wala akong kasama hanggang makuntento ako. Nagpasiya akong maglakad lakad sa silid. Masyado namang malaki ang dinning room na ito mayroon pangahabang couch dito. Nakakahikayat tuloy itong upuan. Akmang uupo ako ng biglang may babaeng lumitaw sa aking harap. "Mukhang nageenjoy ka dito, Cia?" Tanong nito habang nakataas ang kilay. Iniangat ko na lamang ang aking mukha at tumingin sa kanya, "Ako nga pala si Minerva. Lahat ng kailangan mong malaman ay ituturo ko sa iyo pero sa aking palagay hindi ka rin magtatagal dito." Dagdag pa niya. Napatayo ako at hinintay ang susunod niyang sasabihin. Bakit parang lahat ng tao rito ay laging sinasabi na hindi ako magtatagal. Hmmmm. Ano bang meron dito? Lahat ng bagay ay napakaganda at magbubuhay Prinsesa ang lahat ng nakatira dito. "Cia, una utos na kailangan mong sundin. Huwag kang lalabas ng walanag pahintulot namin o ni Master Will." Saad niya. Naririndi na akong marinig ang pagbanggit nila sa Master Will na yan. "Maari ba akong magtanong sino ba si Master Will?" "Siya lang naman ang mayari ng lugar na ito." "Lugar?" "Oo," "Huh?" "Siya ang pinakamayaman na nilalang dito at kaya niyang gawin o bilhin ang lahat ng bagay." Sagot ni Minerva. Umiling na lamang ako. Hindi pa rin ako kumbinsido sa sagot niya. Akmang magtatanong akong muli ng biglang may humawak sa akin kamay at hinila ako pabilis ng silid. "Bakit hindi mo itanong sa akin ng direkta ang nais mong malaman?" Nakatitig lamang akong sa gwapo niyang mukha at hindi ako makapagsalita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD