Nilagay ko ang mga kamay ko sa katawan ng puno at ang mga tenga ko tinuon kay Will at Yssa. Nanahimik silang at biglang umaraw sa paligid. Nanlaki ang mga mata ko. Kakaiba ang kulay gintong kalangitan. Hindi ko pa nakita ito sa Renera. “Tama na, Yssa. Tigilan mo na ang kalokohan ito.” Kunot noo akong napalapit sa kanila. “Cia!” Naestatwa ako ng tawagin niya si Cia. “Saan ka galing?” Malapad ang ngiti niya na nakatingin sakin. Pumikit ako. Ako ba talaga si Cia? Ang kabog ng puso ko ay sobrang lakas na hindi ko na marinig ang paligid. Isang hampas sa likod ko ang nagpawala ng lakas nito. Dumilat ako at napamaang ng mawala sa harap ko si Yssa at Will. Umiling ako. Naglakad palabas ng mga puno. Kung ito ay nakaraan siguradong may lagusan rin dito. Halos kalahating oras na ako naglalakad

