CHAPTER 10

1700 Words
Nagpasya akong maglakad na lamang pauwi dahil maaga pa naman. Paraan na rin para makapag-isip o malibang ang aking isipan. Ang dami pa ring tao sa daan, at ang sarap ng Simon ng hanging pang-gabi kaya naman nagpasya akong maupo muna sa isang bench sa nadaanan kong park. Nang makaupo'y agad akong napatingala sa langit, kung hindi lang sana nawala si Tatay hindi sana magiging ganito ang buhay ko, hindi sana ako matatkot mag-isa. Masaya pa siguro kami ng pamilya ko ngayon, baka nakakapagtrabaho na din ako bilang Engineer sa isang high paying company. Lahat ng pangarap ko, kasabay ni Tatay na naglaho, pati ang pagmamahal ng Nanay. Mapait akong napangiti, "Tay, hindi po ako masaya. Nasasaktan at natatakot po ako Tay. Wala na pong nagmamahal sa akin kagaya ng pagmamahal nyo." then my tears fell. Miss ko na ang Tatay, miss ko na ang pamilya namin, miss ko na si Nanay. Halos maghapon nang mabigat ang aking dibdib, hindi mawala wala ang pag-aalala at sakit sa damdamin. Kotang kita na ako ngayon araw. Nakakita ako ng kwek kwek vendor malapit sa aking puwesto at napagpasyahang iyon na lang ang gawing hapunan. Halos naka singkwenta pesos din ako ng kwek kwek, bukod sa paborito ko ito ay bet ko din na maraming pipino, si uyas at sili si Manong kaya nakarami ako. Nang mainip na ay tiningnan ko ang aking phone upang silipin ang oras. Mag-aalas diyes na agad ng gabi, grabe ang bilis ng oras, nasulyapan ko ang missed calls na nakarehistro doon at napamaang nang makitang may seventy missed calls si Arc. Mapait akong napangiti, ano na naman kayang problema nito? I decided to go home dahil gusto ko na ding matulog. Mabagal akong naglakad at sumisipa sipa pa ng mga maliliit na batong madaanan ko, ngayon ko lang ulit nagawa ito, ang mawalan ng pakialam sa oras. "Pris!!!!", nagulat ako sa lakas ng sigaw na iyon ni Arc, at nakitang dalidali syang lumapit sa akin at hinaklit nang mahigpit ang aking braso. Maang akong napatingin sa kanya. "Where the f**k have you been? Kanina ka pa umalis ng restaurant ha?" galit na galit nyang tanong. Hindi agad ako makabawi sa kabiglaan at nakatitig pa din sa kanya. Tila naman sya nahimasmasan at niluwagan ang pagkakahawak sa akin, binawi ko agad ang aking braso at naglakad papasok na sa gate. "I'm talking to you, you little spoiled brat!", ayan na naman sya sa mga salita nya. Nilingon ko sya at sinagot ang kanyang mga tanong, para kasing wala na akong lakas makipagtalo pa ngayon. "Naglakad lang kasi ako, tapos nagpahangin don sa may park, yung palagi nating dinadaanan.", kwento ko na parang hindi nya ako binulyawan kanina, itinuro ko po ang direksyon ng pinanggalingan ko at sya'y parang hindi makapaniwalang basta na lang ako nagpapaliwanag, sanay kasi syang sumasabay ako sa galit nya. "Tapos kumain na din ako don ng kwek kwek." aniko at saka sya tiningnan. Hindi pa rin mawala sa puso ko ang sakit nang makita kong kasama nya si Dahlia kanina, naiiyak na naman ako. Nanatili syang nakatingin sa akin, ngunit ngayon ay kalmado na ang ekspresyon nya. Bukas na rin ang pinto ng aking apartment, well ganon naman kami, may susi sya ng unit ko, meron din ako sa kanya. Pumasok ako sa may pinto atsaka sya hinarap. "Are you okay? Yung sugat mo?", aniya na tumingin pa sa binti ko. Napataas ang kilay ko, "Sugat?" pagmamaang maangan ko. "Yeah, you've been careless kaya ka nadidisgrasya.", sermon pa nya. Napangiti ako, ngayong sya na lang mag-isa concern na sya? kabit na kabit ang dating ko ah, my crazy mind thought. "Pano mo nalaman?", kunwari ay tanong ko pa. "f**k, Pris. Sa sobrang lakas ng ingay non, tanga lang ang hindi makakaalam.", napangiti ako sa sinabi nya, so alam naman pala niya, sadya lang talagang binalewala nya ako. Tumango tango ako, "Ah, oo nga. Okay naman, okay naman.", hindi ko alam kung bakit dalawang beses ko yun inulit, para kong tanga. Tuluyan akong pumasok sa loob at basta na lang inihagis ang bag ko sa sofa. This day was so exhausting, ang daming nangyari sa loob lang ng isang araw at lahat yon at puro hindi maganda. Ramdam kong nakasunod si Arc sa akin kaya hinarap ko sya. "Gusto ko nang magpahinga.", sabi ko para lumabas na sya, ngunit para syang walang narinig at dirediretso pa ring naupo. Nahilot ko ang aking mga mata, mukhang malabong makapagpahinga ako nang maayos. "Arc, please", para sa kapayapaan ako na Ang magpapakumbaba, wow ah! He looked at me, and I can't find anything in his eyes kaya nalito ako at hindi alam ang gusto nyang mangyari. "What's with you Pris?" napanganga ako, ako pa talaga? Pero para nga sa kapayapaan, be humble. "Wala, pagod lang. Please, I want to rest." sabi ko sabay talikod. But he raise his voice again, "Huwag mo akong talikuran kinakausap pa kita.", hindi naman iyon pasigaw, medyo malakas lang. Muli ko syang hinarap, kanina pa, para akong bata na sunud lang ng sunod sa sinasabi nya, this is so not me. Pero pagod kasi ang puso ko ngayon, kanina pang umaga nasasaktan kaya parang wala nang kakayahan pang makipagtalo. Pero bawat kilos ko ay parang bago sa kanya dahil sa bawat pag-sunod ko sa nais nya ay napapamaang na lang siya. He stood up at lumapit sa akin, sobrang lapit, saka hinawakan ang magkabila kong balikat. "What's wrong?" malambing nyang tanong, bipolar ba to? ang bilis mag-iba ng katauhan eh. Napatitig ako sa kanya, ganon din sya sa akin. "Wala." matipid kong sagot, I just want to lay down on my bed at papayapain ang isip ko, yun lang. "I'm sorry, baby." malambing muli ang kanyang boses, s**t naman! nalaglag ang aking balikat, bakit parang nawala lahat? Ano to magic? hinagod hagod nya ang aking balikat at mataman ko lamang siyang tinititigan. "Pris naman kasi. What happened to us is not s*x! It's making love!" singhal nya na syang ikinamaang ko pa, ano daw? anong pinagsasabi nito? Lito ko syang tiningnan. "I'm sorry if I get pissed kanina. I just didn't like what you called it.", aniya na ngayon ay masuyo nang hinahaplos ang aking mukha. "Gusto mo pa bang ipaalala ko sa'yo yung pinag-usapan natin kaninang umaga?" hamon nya. "With you, it's always making love Pris, it's not just having s*x or f*****g. Put that in your mind." pairap nya pa akong tiningnan. Oo, naalala ko na, yun lang pala ang umpisa ng lahat ng to. Making love, so what happened to us involves love? Itanong ko ba? "O-okay." utal kong tugon. Pisti yan, yun lang ang lumabas sa bibig ko. "I'm sorry na, ha?", pagsuyo nya at masuyo akong niyakap, I hugged him back, at least alam ko na ang pinagmulan. "C'mon, let's sleep I know you're tired. It's been a long day for the both of us." saka niya ako hinila papasok sa aking kwarto. "Arc..", "Hmm?", hindi manlang sya nag abalang lumingon at tuluyang binuksan ang kwarto ko. "Arc.", muling tawag ko upang makuha ang kanyang atensyon, nagtagumpay naman ako. "Baby?" sa tuwing tinatawag nya ako ng ganon ay nanghihina ako. Itinuro ko ang sofa upang paupuin sya. We need to clear things up, I'm not dumb, alam ko ang nararamdaman ko ngayon. I am in love with my bestfriend, at may nobya sya. Hindi pwede sa amin yung sinasabi nyang make love, f*****g or having s*x lang ang pwede. And with the thought, my heart ached. Sinunod naman nya ako at ako'y mabilis ding umupo sa tabi nya. "Kailangan nating linawin ito.", umpisa ko. "Alam kong mahal mo si Dahlia at ginagawa mo lang ang gusto ko para protektahan ang p********e ko.", he's listening pero hindi ako sigurado kung iniintindi ba nya iyon. "Ayokong sirain ang relasyon nyo ng girlfriend mo, okay. Once na makabuo tayo, please, let me care take of my child alone, apelyido ko ang gagamitin nya, papayagan kong maging godfather ka nya, pero hanggang doon lang iyon, he will be mine, mine alone Arc.", napaayos sya ng upo sa sinabi kong iyon, I saw how he gritted his teeth, pero agad ding kumalma. "Kung anong gusto mo.", balewala nyang sagot, masukista yata ako, sinabi sabi ko iyon tapos nung sumang ayon, nasaktan ako. Hindi man lang sya nagprotesta kahit na kaunti, well syempre nga naman bakit pa sya magrereklamo kung masasarapan na sya wala pang responsibility after, it benefits him a lot. Pero tangina, hindi ko naman akalain na ganon lang sya kadaling papayag. Ang sakit bhie! Mapait akong ngumiti at pagkuwa'y dahan dahang tumango pero ang totoo'y hirap na hirap akong pigilin ang akong luha. "Yun lang ba?", nakangiti nyang saad at biglang inilapit ang sarili sa akin. Umangat ang kanyang mga kamay, at ang paghaplos nyang iyon sa aking mukha ang nagpaurong ng nagbabadya kong mga luha, he makes my heart calm. "Always remember this Pris, what's mine is mine. And the moment I entered you, you were mine. And it will be until the last air you'll breath", titig na titig sa akin ang kanyang mga mata, I felt the honesty on his words ngunit hindi maproseso ng utak ko ang ibigay nyang ipakahulugan doon. Baka ayaw nya lang kasi na may maka-s*x kang iba pa? komento ng isip ko. "Get it Pris?", sa tuwing magtatanong sya ng ganito ay awtomatiko akong napapatango na lamang, he is really an authority. Pagkatango ko ay agad niya akong siniil ng marubdob na halik. And again, my heart started pounding too fast, mabuti na lamang at agad niyang tinapos iyon. "Good girl, now let's sleep baby. I'm fuckin'tired.", Aya nya na sinabayan ng pagtayo at paghila sa kamay ko. "Arc?", muli nya akong nilingon with all smile. "Bakit English ka ng English?" I asked out of nowhere. Kasi naman napapansin ko, palagi talaga syang nageeenglish simula nong nakagraduate kami ng college. He chuckled and again claimed my lips. "Malalaman mo din, sooner baby.", napataas ang kilay ko sa sagot nyang iyon. Ang daming alam. "Mauna ka nang matulog, maliligo lang ako.", aniko na dumiretso na sa banyo, lagkit na lagkit ako at sa palagay ko'y hindi ako kaagad makakatulog kung ganito. "A'right, go ahead."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD