HIS POV Matagal na simula nung umalis si Rhianne. It’s already a year yet it feels like yesterday. Yung collaboration ng Monteverde at Villareal, matagal nang wala. Malaki ang naging galit ng Monteverde sa amin, sa akin, after that happened. Pero hindi nila alam na kasal pa rin kami ni Rhianne. Ayaw kong sabihin sa kanila dahil alam kong gagamitin nila ang kasal namin para sa pangsariling gusto nila. “Ano nang balak mo?” tanong sa akin ni Dexter. Napahinga ako nang malalim at napasandal sa swivel chair ko. “Gusto kong hanapin si Rhianne,” bulong ko. Napahawak na lang siya sa noo niya at napailing-iling. “Puro ka Rhianne, nung panahon na may lakas ka na protect-ahan siya, hindi mo ginawa.” Napatingin na lang ako sa kisame. Tama naman siya, wala akong lakas, mahina ako. Makasarili,

