HER POV Nasa garden area kaming dalawa. Hapon na rin kaya tahimik ang paligid, walang tao sa paligid. Sadyang kaming dalawa lang. I think this is the right time na pakinggan ko siya, kasi tama rin naman, may ceasefire kami, pero deep inside meron pa ring galit na hindi nareresolba. “Thank you…” mahina niyang sabi. “Ipaliwanag mo yung gusto mong sabihin… makikinig ako…” mahinahon kong sabi. Napahinga siya nang malalim. “I don’t want that marriage, seryoso… kasi… pakiramdam ko masyado akong kinukulong sa decision na hindi ko naman gusto…” napalunok ako dahil sa sinabi niya. Iyon din ang sinabi niya sa akin noon. Pero this time, ibang-iba ang pakiramdam ng sabihin niya iyon sa akin. Nung una niyang sinabi sa akin iyon seven years ago, ang sakit sa pakiramdam. Dahil dama mong ayaw niy

