HER POV Nanlulumo akong napayuko sa lamesa ko habang iniisip ang mga bagay na napag-usapan namin kanina sa office. Hindi na rin ako makatanggi pa sa kung ano’ng gusto niya. That’s his choice and I need to follow it, dahil boss ko siya. “Ano bang trip mo sa buhay mo, Dylan?” inis na tanong ko sa sarili ko habang iniisip kung ano ba ang pwedeng gawing design para sa theme na gusto niya. Bigla namang tumunog ang doorbell dahilan upang mapatayo ako at buksan ang pintuan. “Ano, kumusta ka?” salubong na tanong ni Coleen sa akin. Napahinga na lang ako nang malalim at napatingin sa aking lamesa na puno’ng puno ng kalat ng papel. “Ano pa nga ba, hindi ko alam kung paano ko sisimulan yung gusto niyang design. Tama ba iyon, talagang gano’ng theme ang gusto niya?” tanong ko sa kaniya. “Nung ni-

