Hindi alam ni Kent kong paano patahimikin ang babaeng kasama niya lalo na at umiiyak na ito ngayon. Hindi niya alam kong paano patahanin ito dahil wala naman siyang naging girlfriend every since. Inabutan nalang ni Kent si Anna ng tisyu na nasa loob mismo ng kanyang kotse. "Kong hindi mo na kaya mag kwento, ayos lang". sambit ni Kent Tumingin si Anna sa kanya ng malungkot. "Hindi k-kaya ko, mas maganda na siguro ito lalo na at May masabihan ako ng kwento ko." Anas ni Anna "Sige ikaw ang bahala. Makikinig ako". tugon ni Kent MULING nagpatuloy sa pag kwento si Anna. "Akala ko noon totoo lahat ng sinabi sakin ng asawa ko, dahil naniwala ako sa kanya. Minahal ko narin kasi siya bago pa kami ikasal. Subalit makalipas ang isang buwan bago ako manganak ay nakitaan ko ng pagbabago ang asawa

