ANNA POV MADILIM ang paligid ng magising ako, kinapa ko ang aking higaan at doon ko napagtanto na nasa kama na ako. Binuksan ko ang lampshade na nasa gilid lamang ng aking kama. Tuluyan kong nakumpirma na nasa kwarto ako. Masakit ang ulo ko ng akoy bumangon, anong nangyari? bakit biglang narito ako gayong huli kong naalala magkasama kami ni rk sa kubo doon sa gubat. Paano akong nakauwi bat wala akong maalala? Bumaba na ako dahil nakaramdam na ako ng gutom, nakita ko ang oras sa aking cellphone alas dyes na ng gabi. Pagbaba ko nakapatay lahat ng ilaw, kaya binuksan ko muna ito para magkaroon ng liwanag sa sala. Kaso ganun nalang ang gulat ko ng datnan ko sa lamisa si Ate. Nakaramdam ako ng inis dito dahil narin sa pangingialam nya sa buhay ko. Lalampasan ko na sana siya ng magsalita

