Hindi makatulog si anna ng gabing iyon dahil akupado ni Kent ang kanyang isip. Isang gabi lang na hindi nakauwi ang binata sa bahay ay pakiramdam ni anna ay isang taon na itong nawala. Ayaw man niya aminin pero namis niya ang presensya nito. "Kamusta na kaya siya? Bakit hindi man lang ito nag tetext or tumawag sakin?" tanong ni anna sa kanyang sarili. Madaling araw na pero gising na gising parin siya, naghihintay parin na makatanggap siya ng text at tawag mula dito. Nakaramdam tuloy si anna ng inis sa binata. "Kong ayaw mo mag text sakin wag mo"! inis na sigaw ni anna sa loob ng kanyang kwarto. Hindi niya talaga mapigilan ang kanyang inis. Kinuha niya ang kanyang Extrang unan saka ito pinanggigigilan. "Nakakainis ka alam mo ba?! May pasabi sabi kapang mahal mo ako e ,kinaya mo ngang

