Nagluluto ng tanghalian ng mga oras na iyon si manang nang May nag doorbell sa labas ng bahay. Akmang aalis na sana siya para tingnan iyon subalit pinigilan sya ni Christopher. Siya na raw ang magbukas non at ituloy na ang kanyang ginagawa. Nagmamadali din kasi si manang Ruth nanay mga oras na iyon dahil tiyak nitong gutom na si Anna sa loob ng basement. Naghahanap lang din ng tyempo ang ginang para makapunta kay Anna. sakto naman na pumasok ang kanyang anong si Christopher. Tila masayang Masaya ito. Doon lang napansin ni manang Ruth ang kasama ng amo, familiar sa kanya ang lalaki pero di niya mawari kong sino, hanggang sa "Manang Ruth? Kamusta po kayo?" masayang sambit ni Kent ng makita ang ginang sa kusina "K-kent? ikaw na nga ba iyan?" di makapaniwalang tanong ni manang Ruth dito

